CW: Graphic injury details involving a child.
Hustisya para kay Angelo Teves!
Panawagan ito ng kanyang kuya na si Matthew Johann, 19.
Si Angelo ay nagtamo raw ng walong saksak sa katawan gamit ang balisong noong Oktubre 12, 2026, sa Barangay Payatas, Quezon City.
Ang itinuturong suspek: ang kabarkada ni Angelo na labinlimang taon ang edad.
Kaya hangad din ni Matthew na suriin ang The Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (Republic Act No. 9344), kung saan ang "children 15 years old and below" ay walang "criminal liability."
Nung inamiyendahan ito at ipinatupad ang Republic Act No. 10630 noong Oktubre 2013, ang "children aged 12 up to 15 who commit serious crimes (such as rape, homicide, murder, or dangerous drugs violations) are deemed neglected and placed in an Intensive Juvenile Intervention and Support Center (IJISC) inside a Bahay Pag-asa facility," ayon sa E-library ng Supreme Court.
Si Angelo ang gumanap na batang Kelvin Miranda bilang Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang’gre ng GMA-7 at batang Manuel Quezon Jr. sa Quezon.
Ginampanan din niya ang karakter ni Joey, anak ni RK Bagatsing, sa Call My Manager!, na napapanood sa HBO Max.

Ang kuya niyang si Matthew ay aspiring actor at talent ng Sparkle GMA Artist Center.
THE STABBING INCIDENT
Eksklusibong nakapanayam ng Cabinet Files si Matthew ngayong araw, October 17, 2026.
Aniya, matagal na raw na may hidwaan si Angelo at ang suspek, pero hindi niya inaasahang hahantong sa trahedya ang alitan ng magkaibigan.
Ang simula ng kuwento ni Matthew tungkol sa insidente: "Yung kapatid ko, naglalaro po ng Pogs tapos nakatalikod.
"Parang nagpambuno sila, nagsuntukan, and then, may nag-abot ng kutsilyo sa sumaksak kay Angelo."
Base sa description ni Matthew, malalim ang mga saksak na tinamo ng nakababatang kapatid.
"Walo po ang saksak niya, pero yung pinakamalalim na tinamaan, yung spleen at bituka niya."
Ayon pa kay Matthew, "tumagos po yung kutsilyo" at tinamaan ang internal organs ni Angelo.
"Kinailangan po siya na dalhin sa histopath para i-examine..."
Ayon sa Healthline.com, ang histopathology ay isang medical practice kung saan tinitingnan ng doktor ang "tissues under a microscope to identify potential changes and damages."
AFTER THE STABBING INCIDENT: HOW IS ANGELO TEVES?
Sa ngayon, nasa Intensive Care Unit (ICU) pa rin ang child actor, pero nagkamalay na raw ito.
Sa pagpapatuloy ni Matthew: "Hindi pa po siya masyadong responsive, pero nagising na po siya.
"Successfully, naibalik po yung spleen niya. Hinihintay na lang po namin na ma-transfer siya sa recovery room kasi nasa ICU pa rin siya ng ospital.
"Pero hindi po muna ako pinapapasok sa ospital kasi meron po akong panic attack at anxiety.
"Hindi ko po kaya na makita si Angelo na nagkakaganoon. Pinagbawalan po ako na pumunta sa ospital habang nagre-recover siya."
STABBING INCIDENT's suspect
Masama ang loob ni Matthew dahil bukod sa menor de edad ang suspek, hindi raw nito inaaming may mga kasama siya sa pananaksak kay Angelo.
Ayon pa kay Matthew, marami raw ang saksi sa nangyari.
"Ayaw po niya na magsalita na may mga kasama siya. Talagang sinalo po niya lahat ng kasalanan. Ayaw po niya umamin na may tatlo pa na hindi nahuhuli.
"Ang sinasabi niya, siya lang talaga ang gumawa. Siya lang ang sumaksak, pero marami ang nagsasabi na hinawakan si Angelo at pinagsasaksak."
Nasaan na ang suspek?
Sagot ng aspiring teen actor: "Isa lang po ang nahuhuli. Nandoon siya ngayon sa [youth center.]
"Sa totoo lang po, hindi naging madali sa amin na sampahan ng kaso na frustrated murder ang suspek kasi 15 years old.
"Dinala lang siya sa [youth center] para dun po muna for temporary shelter.
"Pero sa akin po, hindi sapat na nakulong lang siya. Gusto ko po na magbayad siya sa ginawa niya sa kapatid ko.
"Hindi ko po alam kung paano ko ito kakayanin kasi yung kapatid ko na lang po talaga ang meron ako."
Ang masakit para kay Matthew ay habambuhay nang dadalhin at dadamdamin ni Angelo ang sinapit nito.
Maapektuhan daw ang pamumuhay ng kapatid.
"Gusto ko pong magkaroon ng hustisya ang ginawa sa kapatid ko.
Yung suspek, nandoon lang sa kulungan, inaalagaan...samantalang yung kapatid ko, habambuhay niyang dadalhin yung mga saksak sa katawan niya.
“Yung mga peklat, yung trauma.
"At artista po ang kapatid ko so magkakaroon na siya ng record na batang Adamus, aktor na Angelo Teves, nasaksak sa Payatas.
“Okay, sabihin na natin na gagaling siya, pero hindi na po namin magagawa yung mga ginagawa namin dati. Magiging mahina na siya.
"Nagdadasal po talaga ako na sana gumaling ang kapatid ko.
"Actually, nag-book po ako ng Boracay vacation sa December kasi pangarap niya na makapunta doon, pero mukhang hindi na mangyayari iyon."
At kahit mas bumuti na ang lagay ng kapatid, hindi pa rin daw mapanatag ang kalooban ng kanilang pamilya.
Sabi ni Matthew: "Hindi pa rin po ako kampante na safe na yung kapatid ko kasi malaya pa rin yung tatlo at ayaw magsalita ng sumasaksak sa kanya."
At sa kabila ng nangyari, kinukunsidera rin ng pamilya nila ang estado ng pamilya ng suspek.
Aniya: “Yung family po namin, may puso, so kung kakasuhan po namin yung bata, ang wino-worry po talaga namin, ano ang magagawa namin kung pipigain namin yung pamilya ng suspek? E, may nagsabi sa amin na ni pambili ng bigas, nahihirapan sila.
“I am not saying na ile-let go namin yung kaso, pero, at this point, kailangan po na gamitin namin ang aming puso dahil galing din kami sa hirap.
"Kung nandoon kami sa sitwasyon na ganoon, hindi rin namin alam ang gagawin."
Hindi pa tiyak kung ano pa ang susunod na hakbang ng pamilya. Very emotional pa si Matthew.
Pero ang siguradong gagawin niya ay pagtutuunan ng pansin ang The Juvenile Justice and Welfare Act.
Saad niya, "Gusto ko po na maging lesson ito para sa lahat na hindi porke’t nangyari ito sa kapatid ko, e, saka lang po ako mag-iingay.
“I am conducting a research about the The Juvenile Justice and Welfare Act para ma-review po ang mga case since sunud-sunod po ang mga kaso na mga kabataan ang involved.
"Wala nang takot pumatay ang mga bata ngayon dahil protected sila ng Juvenile Justice Welfare Act."
Read more stories:
Antony Taberna mulls retirement; grateful to Andres Muhlach
Should Kris Aquino sue Machong Chismisan hosts? Valerie Tan weighs in