PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Taberna mulls retirement; grateful to Andres Muhlach

Why is Anthony Taberna grateful to Andres Muhlach?
by PEP Troika
Published 11 hours ago
Anthony Taberna with Andres Muhlach as inset
Anthony Taberna is considering to retire from broadcasting because of the current situation in the country: “...medyo napapagod na tayo, napu-frustrate tayo.” On a lighter note, he also expresses his admiration for young actor Andres Muhlach. Here's why.
PHOTO/S: courtesy of Gorgy Rula

JERRY OLEA

Patuloy na nagpapasalamat ang mag-asawang Anthony at Rossel Taberna dahil okay na ang kanilang anak na si Zoey, na dumaan din sa matinding pagsubok sa kalusugan.

Si Zoey ang nag-lead ng prayer sa Taberna Grouo of Companies (TGC) Open House 2026 sa Metro Tent, Pasig City, noong nakaraang Martes, October 13, 2026.

Sabi ni Rossel, ngayon lang daw nakakabawi si Zoey sa kanyang pag-aaral dahil sa naging karamdaman.

“She’s now… mag-first year college na po siya. She’s enjoying. Lahat na na-miss out niya nun. Lahat ine-enjoy niya.

"Yung bunso [Helga] po, malapit na rin pong mag-college. They’re supporting our businesses,” sabi ni Rossel.

The Taberna family: (L-) dad Anthony, mom Rossel, Zoey, and Helga
The Taberna family: (L-) dad Anthony, mom Rossel, Zoey, and Helga
Photo/s: courtesy of Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ZOEY TABERNA'S SPECIAL GUEST AT DEBUT PARTY

Kamakailan lang ay nag-debut si Zoey, at masayang ikinuwento ng mag-asawa ang surpresa nila: ang pagdating ni Andres Muhlach.

“Buti na lang, napakabait kasi ng mag-anak na iyan e,” ang tinutukoy ni Ka Tunying ay sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, pati ang mga anak nilang sina Andres at Atasha.

Kuwento pa ni Ka Tunying: “Tagahanga lang naman ako ni Aga Muhlach saka ni Charlene.

“Merong isang event na kinuha ko yung number nila. Binigay nila yung number.

“And so nung napag-usapan namin ni Rossel, sino kaya ang ipanggugulat natin kay Zoey?” patuloy niyang kuwento nung pinaghandaan nila ang party para sa kanilang panganay.

“Etong si Zoey, pinapanood niya yung Mutya ng Section E. Gustung-gusto niya si Andres. Ay grabe!

“Minessage ko lang si Charlene. Sabi niya, titingnan daw niya yung schedule. Nung nalaman na okay, walang dalawang salita.

“Walang talent fee yun, ha? Walang talent fee! Ang layo pa ng pinanggalingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobra talagang na-appreciate namin yun,” patuloy na kuwento ni Ka Tunying.

Andres Muhlach at Zoey Taberna's 18th birthday
Andres Muhlach at Zoey Taberna's 18th birthday
Photo/s: Nice Print Photo

Masaya sila na umepek ang pa-surprise nila kay Zoey.

“Sobrang nagulat po siya. Alam naman niya na gagawin namin lahat.

“Saka gustung-gusto namin si Andres. Mabait na bata. He’s a role model.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At ito po, hindi alam ng marami, dahil nung nag-uwian na ang mga guests, napiktyuran siya ng isa sa mga pamangkin namin.

“Nakaupo dun sa labas at nag-grab pauwi. May kasama siyang assistant, pero hindi siguro ma-contact yung driver…

“Low key, napakabait na bata, napaka-humble. Nandun lang siya, nakaupo sa may hagdan. Napakasimple.,” saad ni Rossel Taberna.

Read: ASAP XP adds Star Worx artists; AOS’ days reportedly numbered

GORGY RULA

Samantala, ang malaking event ng TGC ay dinaluhan ni Department of Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque, Department of Tourism Undersecretary Stanley K. Ng, at Pasig City Vice Mayor Robert "Dodot" Jaworski.

(L-R) Anthony Taberna, his wife Rossel Taberna, Pasig Vice Mayor Dodot Jaworski, DTI Secretary Cristina Roque, and DOT Undersecretary Stanley Ng
(L-R) Anthony Taberna, his wife Rossel Taberna, Pasig Vice Mayor Dodot Jaworski, DTI Secretary Cristina Roque, and DOT Undersecretary Stanley Ng
Photo/s: courtesy of Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng maikling programa, kung saan nagbigay ng mensahe si Roque, nakapanayam ng media ang mag-asawang Ka Tunying at Rossel.

Is Anthony Taberna Ready to Retire?

Bukas daw sa partnership ang restaurant nilang Ka Tunying’s, ang Kumbachero Food Corp, ang Taste Of Town catering, pati na rin ang Outbox Media Powerhouse Corporation ni Rossel.

Dahil sa patuloy na lumalaki ang kanilang kumpanya, pabiro naming tinanong si Ka Tunying na puwede na siyang mag-retire para full-time na niyang asikasuhin ang kanilang negosyo.

“Puwede rin!” mabilis na sagot ng broadcaster.

Hindi raw joke yun dahil sumasagi na raw sa isip niyang iwan na ang propesyon niya lalo na’t napaka-toxic na raw ng nangyayari sa ating bansa.

Nakangiti namang pakli ni Rosell, “Sinasabi niya, gusto na niya mag-retire, e. Sabi ko, huwag muna, mag-Open House muna tayo.”

Sabi naman ni Ka Tunying: “Alam niyo, siguro minsan yung nabu-burn out tayo. Napapagod tayo. Yung nag-e-effort ka na makapag-ambag ka sa lipunan na ito, pero napaka-toxic.”

Dahil ba sa mga bashing na inabot niya noon?

“Actually, not on that particular aspect,” sambit ng radio anchor at commentator ng DZRH.

“Yung sinasabi ko lang, pag tinitingnan mo yung bansa natin. Lahat ng puwede mong sabihin, pag nagsabi ka ng ito, kukuyugin ka nito; pag nagsabi ka ng ganito, kukuyugin ka…

“So, parang hindi na siya healthy. But, of course, papasok sa isip natin iyan pag medyo napapagod na tayo, napu-frustrate tayo.

“Sobra, sa totoo lang. Yun bang parang… imbes na makatulong para pumayapa itong...pag may sinabi ka na mukha namang tama, lalong magkakagulo sila, ano?

“Hindi tayo masaya sa ganun, e. Masyado tayong polarized, e,” sabi pa ni Ka Tunying.

Read: Regine Velasquez: "Not fading," still shining after four decades

NOEL FERRER

Aminado si Rossel Taberna na malaki ang naitulong ng pangalan ng asawa niya kaya lumago ang kanilang mga negosyo.

“Sabi ko sa kanya, kung mga nagpaalam siyang mag-retire five years ago, hindi ko siya papayagan.

“Pero ngayon, baka puwede na ako pumayag-payag,” napangiting sabi ni Rossel.

“Kasi po before, malaki talaga yung tulong ng Ka Tunying as a brand para makilala po yung brand namin.

“But now, I’m so sorry, Ka Tunying, marami na pong sumusuporta that they don’t even know na siya yung may-ari ng Ka Tunying’s, Kumbachero, Outbox, lahat po na mga brands.

“They go to us because of the product, because of the services. Kaya po, baka puwede-puwede na,” sabi pa ni Mrs. Taberna.

Pero nandiyan pa rin pala ang pulitika na kumakaway-kaway kay Ka Tunying.

Kamakailan lang ay may kumausap daw sa kanya at inaalok siyang tumakbong Mayor ng Quezon City.

“Actually, nung isang araw lang, merong nagpunta sa akin. Ah, kinu-convince ako.

“Dati senador, e. Ngayon, city mayor daw. Dahil open daw yung city mayor… matatapos daw si Joy [Belmonte].

“Sabi ko, ‘Huwag niyo nga ako isama sa kalokohan niyo,’" natatawa niyang pahayag.

Napangiti namang sambit ni Rossel, “Mangingitim po ako sa kampanya. Huwag na po."

Pero sa ngayon ay tahasang sinabi ni Ka Tunying na wala talaga sa plano niya ang pulitika.

Aniya: “Minsan, natutukso ka lang ba na… oo nga, ano? Mukhang ah puwede ah! Pero wala yun! Papasok lang sa isip mo pero ano lang… makikiliti ka lang pag kunwari persistent yung mga tao na pinupuntahan ka pa.

“Sabi ko, anong magagawa ko diyan? Wala naman akong magagawa diyan.

“Tingin ko, sapat na yung na-contribute ko dito sa bayan natin sa pamamagitan ng propesiyon ng journalism, commentator.

“Kumbaga, long shot iyan! Very long shot! Ayoko naman kasi magsabi na sarado na, ano?

“Baka magulat kayo sa akin, tumatakbo na. Sabihin nyo sa akin, napakasinungaling naman nitong Tunying na ito.”

Read: Doctors warn about RSV, a respiratory disease that targets

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Taberna is considering to retire from broadcasting because of the current situation in the country: “...medyo napapagod na tayo, napu-frustrate tayo.” On a lighter note, he also expresses his admiration for young actor Andres Muhlach. Here's why.
PHOTO/S: courtesy of Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results