Tuwang-tuwa si Gwen Garci at ang iba pang miyembro ng Viva Hot Babes dahil hindi nila inaasahang makatatanggap sila ng mga imbitasyon para magtanghal sa iba't ibang bansa matapos ang kanilang reunion concert na Bulaklak sa New Frontier Theater noong Oktubre 23, 2026.
Kumpirmado na ang paglipad ng grupo sa Dubai, UAE, para sa isang pagtatanghal sa Enero 2027.
May mga negosasyon na rin para madala ang kanilang reunion show sa Australia at iba pang panig ng mundo.
“Sobrang saya, of course! We’re really thankful kasi hindi namin in-expect na after all these years, may mga gusto pa ring manood sa amin, even abroad,” pahayag ni Gwen sa panayam sa kanya ng Cabinet Files tungkol sa mga nakatakdang international performances ng Viva Hot Babes.
“We worked so hard for this comeback, and we just want the chance to share that happiness with our fellow Filipinos abroad. It’s another blessing that we’re praying for.
“Imagine, at our age, we’re still being given opportunities like this. Ang saya lang!
"We’ve all been through so much in life, so being able to perform together again is already a blessing.
“Hopefully, more shows here and abroad! Siyempre, we’re all excited kung ano pa ang susunod for Viva Hot Babes.
"Imagine, after more than 20 years, nandiyan pa rin ang fans namin.
"We’re really thankful, and hopefully, this is just the beginning of more beautiful things for us.”

Read: Priest urges public to stop feasting on Alden Richards’ issue; Alden's manager reacts
GWEN GARCI on VIVA HOT BABES REUNION CONCERT
Isa sa mga hindi malilimutang bahagi ng reunion concert para kay Gwen ang muling pagsasama-sama nilang kumanta at sumayaw sa kanilang hit song na “Bulaklak” matapos ang maraming taon.
“Yung sumayaw at kumanta ulit kami ng ‘Bulaklak’ together. These are the girls I practically grew up with, and those songs changed our lives.
“Tapos nakita mo yung audience, halos lahat nakatayo, sumasayaw, naghihiyawan, at kumakanta with us! Grabe, nakakataba ng puso!
“For a moment, parang bumalik kami sa younger days namin. It’s a memory I’ll always treasure,” saad niya.
Mayroon ding hindi inaasahang pangyayari sa kanyang solo performance nang muntik siyang madulas habang sumasayaw ng tango dahil natapakan niya ang sariling costume.
“Actually, muntik na akong madulas during my solo tango performance kasi natapakan ko yung palda ng costume ko! Buti na lang naitawid ko!
“Siyempre, smile pa rin kahit kinakabahan na ako inside. The show must go on!” natatawang kuwento ni Gwen.
Read: Robbie Jaworski opens up about "my woman" Magui Ford
GWEN GARCI ON WHAT SHE LEARNED FROM VIVA HOT BABES COMEBACK
Bukod sa masasayang alaala, may mga aral ding napulot si Gwen mula sa kanilang reunion concert, lalo na tungkol sa mga negatibong reaksiyon na natanggap nila.
“You know, I realized that no matter how hard you work or how happy you are with your success, hindi lahat magiging masaya para sa’yo.
“And sometimes, mas masakit kapag ‘yung mga negative na salita nanggagaling pa sa mga tao na naging parte ng buhay ninyo.
“Of course, nasasaktan din kami. Tao lang din naman kami. Ang dami naming pinagdaanan at isinakripisyo para matuloy ang concert na ito pero at the end of the day, ayaw naming makipagsiraan.
“We don’t need to bring anyone down just to lift ourselves up. We just want to enjoy what we’ve worked so hard for and make our fans happy.”
Read: Oscar-nominated actress Barbara Barrie dies at 95 by medically assisted suicide