PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baby Dolls addresses biggest issues about them

Juby Sabino after Donny Pangilinan issue: "Ang dami kong realizations..."
by Jojo Gabinete
Published Just now
Baby Dolls address biggest issues about them
Members of Baby Dolls open up about navigating public scrutiny, the personal growth that came from recent controversies, and the vital lessons guiding their journey forward. On the front row are (L-R) Chole Florendo, Arianne Dela Cruz, and Ina Ortega. On the second row (L-R) are Johaira Moris, Eriel Reyes, Jelai Ahamil, and Juby Sabino
PHOTO/S: Screengrab from Fast Talk With Boy Abunda

Ang mga isyu na kinasasangkutan ng grupo nila ang sinagot ng mga miyembro ng Baby Dolls sa kanilang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, nitong Huwebes, Nobyembre 5, 2026.

JOHAIRA MORIS

Noong Hulyo 2026, pinag-usapan ang pagbuga ni Vice Ganda ng tubig sa mukha ni Johaira Moris sa "Memerimar" skit ng It’s Showtime, kasunod ang biro na, “Bakit nagputik ka?”

Nang itanong si Boy ang nabanggit na isyu, sabi ni Johaira, "Actually, marami po akong natutunan sa nangyari na ‘yon.

"First of all po, okay po kami ni Meme. Si Meme po, parang nanay ko po siya kaya nalulungkot din po ako sa nangyari na ‘yon at lumaki po nang ganoon.

"Pero gusto ko pong linawin na wala kaming naging problema at sobrang okay po kami.

"Ang natututunan ko po kahit anong sabihin mo, kahit anong gawin mo, parang minsan kasi hindi mo mapi-please yung tao."

Related articles:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JUBY SABINO

Nalagay sa sentro ng kontrobersya ang Baby Dolls member na si Juby Sabino nang ilahad nito sa panayam sa kanya ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice na napanaginipan niya na nagtatalik sila ni Donny Pangilinan.

Pinagpistahan at binatikos si Juby dahil dito.

Sabi niya sa show, "Hindi ko kasi siya talaga crush na crush. Tapos, on a random night, napanaginipan ko siya, Meme. Kinekeme niya ako.”

Sa panayam ni Boy kay Juby, ipinagtapat nito ang kanyang mga napagtanto matapos ang insidente na hindi ikinatuwa ng mga tagahanga ni Donny.

"I would say na it [brought me to] rock bottom. Parang ang dami kong realizations and since kaka-start lang po namin, I would consider that na learning experience ko po,” ani Juby.

"Now that we have this platform, siguro po magiging extra careful po ako, kami moving forward.

"And since okay naman po kasi nag-usap na yung management ng side ko po and management ni Donny so focused na po kami ngayon sa concert, sa mga ganap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Related articles:

ON BABY DOLLS VS SEXBOMB

May sagot naman si Ina Ortega tungkol sa pagkukumpara ng mga tao sa Baby Dolls at sa Sex Bomb.

Para kay Ina, isang karangalan na maihalintulad ang grupo nila sa SexBomb.

"Yung nakukumpara kami sa isang SexBomb, grabe na po siya. Honor siya kasi SexBomb na po ‘yan. Parang until now, isinasayaw natin saka kinakanta yung songs nila.

"It’s a good pressure po kasi napu-push kami to do better on what we do. Hindi po kami nakikipag-compete or anything sa kahit ano pong grupo. They inspire us."

Ang “Ooh Lala Baby" ang hit single ng Baby Dolls.

Hindi alam ng karamihan na original song ito ni Vhong Navarro na ginamit sa pelikula na pinagbidahan niya noong 2014, ang Da Possessed.

Ayon kay Arianne dela Cruz, hindi inaasahan ng Baby Dolls na sisikat nang husto at mamahalin ng publiko ang kanilang debut single.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi po talaga namin siya ine-expect na sisikat po siya. Na ganoon siya mamahalin ng mga tao pero nung nagre-record na po kami, favorite na po talaga namin siya,” ang kuwento ni Arianne.

"Parang kami na po mismo, nag-e-enjoy na kami while recording it tapos sobrang saya po namin na yung mga tao, kung paano po namin unang minahal yung 'Ooh Lala Baby' ganoon din po nila sobrang minahal."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Members of Baby Dolls open up about navigating public scrutiny, the personal growth that came from recent controversies, and the vital lessons guiding their journey forward. On the front row are (L-R) Chole Florendo, Arianne Dela Cruz, and Ina Ortega. On the second row (L-R) are Johaira Moris, Eriel Reyes, Jelai Ahamil, and Juby Sabino
PHOTO/S: Screengrab from Fast Talk With Boy Abunda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results