Kaliwa't kanang batikos ang natatanggap ngayon ng Baby Dolls member na si Juby Sabino matapos ikuwento ang minsan niyang panaginip tungkol sa aktor na si Donny Pangilinan.
Sa episode ng Gandang Gabi, Vice nitong Linggo, October 18, 2026, naging guest ang pitong miyembro ng P-pop girl group na Baby Dolls, na nabuo sa Kapamilya noontime show na It's Showtime, kung saan host si Vice Ganda.
Kabilang sa mga kantang pinasikat ng grupo ang "Oohh Lala Baby," "Ikembot Mo," at "Meme."
Read: Janine Gutierrez, Charlie Dizon team up as lovers in Balaraw
Bilang bahagi ng pagtalakay sa kantang "Oohh Lala Baby," na may catchy lyrics na "Para lang sa'yo igiling-giling mo," tinanong ni Vice ang bawat miyembro kung kaninong male celebrity crush nila iniaalay ang mga linyang ito.
Unang sumagot ang Baby Dolls member na si Jelai Ahamil, na umaming masugid na tagahanga ng TV host-singer na si Darren Espanto.
Si River Joseph naman ang crush ni Eriel Reyes, habang hinahangaan ni Ina Ortega ang singer na si Adie.
Si Joseph Marco ang crush ni Arianne dela Cruz, samantalang si James Reid naman ang kay Chloe Florendo.
Aminado namang tagahanga ni Brent Manalo si Johaira Moris, habang si Donny Pangilinan ang celebrity crush ni Juby.
Ngunit sa lahat ng nagbahagi ng kanilang male celebrity crush, ang rebelasyon ni Juby ang higit na pinag-usapan online.
Ayon sa dalaga, mas tumindi ang pagkahumaling niya kay Donny matapos niya itong mapanaginipan.

Saad niya, "May back story kasi ako sa kanya... Mas malala.
"Hindi ko kasi talaga siya crush na crush. Tapos, on a random night, napanaginipan ko siya, kine-keme niya ako."
Sundot na tanong ni Vice, "So [bleep] dreams? Natapos?"
Mabilis na sagot ni Juby, "Opo."
Dahil sa rebelasyon, naghagalpakan sa tawa si Vice at ang co-members ni Juby.

NETIZENS REACT to Juby's revelation and Vice's reaction
Samantala, maraming netizens ang pumuna sa paraan ng pagbabahagi ni Juby ng natura niyang panaginip, lalo na't tinalakay ito sa isang programa sa telebisyon.
Para sa ilang netizens, tila naging paraan daw ang kuwento upang i-sexualize si Donny.
Read: Paolo Serrano nearly falls victim to "Pajama Girl"
May ilan ding nagpahayag ng pagkadismaya sa naging reaksiyon ni Vice, na anila'y hindi man lang pinagsabihan o pinigilan si Juby.
Sa halip, ayon sa mga kritiko, nagtanong pa si Vice ng follow-up questions na lalo umanong nagpalalim sa usapan.
Tweet ng isang netizen sa X: "This is all but cringe, clout-chasing, attention-seeking clip.
"Like, why do you normalize sexualizing someone on national TV? In exchange for your dignity & self-respect?
"And how come Vice, who's personally close with Donny, allowed this? All for what?!
"So disgusting & disappointing."
Read: Ecuadorian priest dies after cross falls on him during Mass
Saad ng isa: "Saw a clip and it gave me the ick. Having a sexual dream about someone is one thing. Publicly turning that person into the subject of your sexual fantasies for entertainment on national TV is another.
"A dream might be involuntary, but choosing to broadcast its intimate details is a different matter entirely. Men can be objectified, too!
"Imagine if a man went on national TV and publicly described a sexual dream about a female celebrity in this much detail. Would people find it funny or would they call it inappropriate?
"And why are we normalizing and tolerating this kind of behavior? We need to stop acting like this is okay just because it's a joke or a dream."
Read: David Chua makes it clear: Sophia Moretti is his AI girlfriend
Sabi pa ng isa: "I’m sorry, but I can’t shake this off. The more I think about it, the weirder it gets. Imagine being a female celebrity and finding out that a man went on national TV to talk about dreaming of having sex with you, getting into the details, being asked if he finished, and having the entire thing played for laughs.
Would we really be this casual about it? Ano, kase it’s not that serious? kj ko naman? OA ko?
"And before anyone says it was just a dream, obviously people don’t choose what they dream about. That’s not the point.
"Having a dream and choosing to make its intimate details about a real person public entertainment are two separate things.
"The fact that it was treated as a funny little anecdote instead of something worth questioning is what makes it uncomfortable.
"I’m not a prude, and I’m not particularly interested in defending men for the sake of defending men, but basic respect shouldn’t depend on someone’s gender. yuck. So disappointing."
"No one deserves to be sexualized like that, not Donny and not anyone else.
"We may have the freedom of speech and expression, but that freedom should never come at the expense of another person's dignity and respect," dagdag pa ng isa.
VICE'S DEFENSE OF ANNE CURTIS RECALLED AMID DONNY ISSUE
May mga netizen ding nag-ugnay sa insidente sa mga sexist remarks ni Quezon City Fourth District Representative Jesus "Bong" Suntay tungkol kay Anne Curtis, na malapit ding kaibigan ni Vice.
Read: Bong Suntay found guilty of improper remarks about Anne Curtis
Sa isa noong pahayag, ikinuwento ni Suntay ang pagkakita niya kay Anne sa Shangri-La at ang naging imahinasyon niya tungkol sa aktres.
"May desire sa loob ko na nag-init talaga at na-imagine ko na lang ang puwedeng mangyari.
"Siyempre, hanggang imagination ko na lang yun. Siyempre, hindi ako puwedeng kasuhan dahil kung anu-ano ang na-imagine ko."
Binalikan ng ilang netizens, lalo na ng mga tagahanga ni Donny, ang naging pagtatanggol umano ni Vice kay Anne noon.
Read: Anne Curtis rejects Bong Suntay’s "non-apology"
Kinuwestiyon din nila kung bakit tila iba ang naging reaksiyon ng host sa insidenteng kinasasangkutan ngayon ni Donny, na kaibigan din niya.
Pahayag ng isang netizen: "Did Vice suddenly forget his reaction when Bong Suntay made comments about Anne Curtis? Anong nangyari?
"Donny is being sexualized/objectified. Kaibigan mo rin naman si Donny, ah? Dahil ba lalaki siya?
"The double standards. Tao rin naman si Donny. Disappointing. Enabling. Bastos."
Dagdag pa ng isa: "Bong Suntay on Anne - Vice criticized Suntay.
"Juby on Donny - Vice makes follow-up questions to elaborate on the sexualization
"The double standard. Shame on you. RESPECT DONNY PANGILINAN."
Read: Celebrities call out Bong Suntay over remarks about Anne Curtis
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Juby at Vice kaugnay ng mga batikos na natatanggap nila.
