PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Remembering Nida Blanca and the tragedies on Annapolis Street

It has been 25 years.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
The deaths of Nida Blanca (main), Maria Teresa Carlson (inset, top), and Elsa Castillo (inset, bottom) have one thing in common.
Twenty-five years after Nida Blanca’s killing, PEP revisits her unsolved case and two other deaths that put the same street in the headlines.
PHOTO/S: File photos

CW: Graphic descriptions of violence and a crime scene

Ginugunita ngayong Sabado, Nobyembre 7, 2026, ang ika-25 na anibersaryo ng pagpaslang sa aktres na si Nida Blanca (Enero 6, 1936 – Nobyembre 7, 2001).

Nananatiling misteryo ang pagkamatay ni Nida, na Dorothy Jones ang tunay na pangalan, at itinuturing na isa sa mga Reyna ng Pelikula noong kapanahunan niya.

Read: Remembering Nida Blanca and her tragic death 18 years ago

Hanggang ngayon, hindi pa natutukoy ang tunay na utak sa bayolenteng pagpatay sa kanya.

Nida Blanca
Nida Blanca
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang asawa ni Nida, ang American singer-actor na si Rod Lawrence Strunk (Marso 26, 1939- Hulyo 11, 2007), na gumamit ng screen name na Rod Lauren, at si Philip Medel ang mga pangunahing akusado sa pagpaslang sa aktres, pero kinamatayan na nila ang kaso.

Nida Blanca's husband Rod Strunk
Nida Blanca's husband Rod Strunk
Philip Medel, the self-confessed killer who surrendered to PNP Task Force Marsha
Philip Medel, the self-confessed killer who surrendered to PNP Task Force Marsha
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namayapa si Philip noong Abril 7, 2007, dahil sa sepsis secondary to pneumonia, samantalang tumalon naman si Rod sa kamatayan nito mula sa ikalawang palapag ng Tracy Inn sa Tracy, California, noong Hulyo 11, 2007.

Dalawampu’t-limang taon na ang nakararaan mula nang mangyari ang krimen na ikinabigla ng mga Pilipino at ikinabulabog ng buong bansa dahil sa pamamagitan ng payong, isang sikat na aktres ang pinatay sa saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Malinaw sa aming alaala ang pagsugod ng Cabinet Files sa 6th floor parking lot ng Atlanta Centre condominium building sa Annapolis St. Greenhills, San Juan City, dahil dito natunton ang walang buhay at duguang katawan ni Nida.

Araw ng Miyerkules noon at pagdating namin sa lugar na pinangyarihan ng krimen, naabutan namin si Strunk na tahimik at tila malalim ang iniisip.

Umiiyak naman nang malakas si Annabelle Rama, kasama ang asawa niyang si Eddie Gutierrez.

Matalik na kaibigan ng Gutierrez couple si Nida kaya mauunawaan ang pagpalahaw ng iyak ni Annabelle na niyaya kaming lapitan ang kotse.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakita namin ang nakataob at nakasiksik na bangkay ng aktres sa front at back seats ng kanyang sasakyan.

Board member si Nida ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at natagpuan ang kanyang mga labi sa Atlanta Centre, na dating tanggapan ng government agency.

Ipinagluksa ng buong Pilipinas ang karumal-dumal na pagkitil sa buhay ni Nida na ibinurol sa chapel ng White Plains Subdivision sa Quezon City, na hindi kalayuan sa kanyang tahanan.

Read: What I saw at the crime scene after gruesome murder of Nida Blanca

TWO OTHER DEATHS ON THE SAME STREET

Halos magkasunod na namatay si Nida at ang kanyang kapwa aktres at dating beauty queen na si Maria Teresa Carlson (Oktubre 15, 1962- Nobyembre 23, 2001).

Maria Teresa Carlson
Maria Teresa Carlson
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binawian ng buhay si Maria Teresa sa edad na 39 dahil tumalon siya mula sa ika-23 na palapag ng condominium building na tinitirhan niya: ang Platinum 2000 sa Annapolis Street, Greenhills, San Juan City.

Hindi kalayuan at nasa iisang kalye lamang ang mga condominium building na pinangyarihan ng pagpatay kay Nida at ang gusali kung saan umano tumalon si Maria Teresa, na gugunitain sa Nobyembre 23 ang ika-25 na anibersaryo ng kanyang pagpanaw.

Coincidentally, pinaslang din ang maybahay na si Elsa Castillo sa Platinum Condominium building sa Annapolis Street, Greenhills, San Juan City, na katabi ng gusaling tinirhan ni Maria Teresa.

Ang American businessman na si Stephen Mark Whisenhunt ang pumatay at pumutol sa katawan ni Elsa, na binansagang Chop-Chop Lady noong 1993.

Itinapon ni Whisenhunt sa Bataan ang pinagputul-putol na katawan ni Elsa, ayon sa testimonya ng kanyang driver na si Demetrio Ravelo.

Napatunayan ng korte na nagkasala si Whisenhunt, na hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo, pero pinalaya makalipas ang labing-siyam na taon na pagkakakulong sa National Bilibid Prison, Muntinlupa City.

Ipina-deport si Whisenhunt sa Amerika ng pamahalaan ng Pilipinas noong Pebrero 2013.

Hindi artista si Elsa pero pinag-usapan nang husto ang kanyang karumal-dumal na kamatayan sa kamay ni Whisenhunt na dahilan para magkaroon ng dalawang pelikula tungkol sa naganap na crime of passion.

Si Kris Aquino ang gumanap na Elsa sa pelikula ng OctoArts Films na ipinalabas sa mga sinehan noong Enero 27, 1994, ang The Elsa Castillo Story…Ang Katotohanan.

Si Miguel Rodriguez ang gumanap na Whisenhunt, at si Eric Quizon ang nagbigay-buhay sa katauhan ni Fred Castillo, ang asawa ni Elsa.

Si Lorna Tolentino ang Elsa sa Chop-Chop Lady: The Elsa Castillo Story ng FLT Films, at napanood ito sa mga sinehan noong Pebrero 2, 1994.

Si Mark Gil ang gumanap bilang Whisenhunt at si Mat Ranillo III ang gumanap sa karakter ng asawa ni Elsa.

Maingay na maingay ang pagkukumpara noon kina Kris at Lorna dahil pareho ang kuwento ng mga pelikulang pinagbidahan nila at isang linggo lamang ang pagitan ng pagpapalabas sa mga sinehan ng kanilang mga kontrobersiyal na proyekto.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Twenty-five years after Nida Blanca’s killing, PEP revisits her unsolved case and two other deaths that put the same street in the headlines.
PHOTO/S: File photos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results