PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boobsie denies Direk Tony Mark posted Kim Chiu pregnancy rumor

"Wala naman siyang Threads account."
by Jojo Gabinete
Published 19 hours ago
Boobsie Wonderland and Direk Tony Mark
Boobsie Wonderland (main) denies that her road manager, Direk Tony Mark (inset), was behind the now-deleted post claiming Kim Chiu was “buntis.”
PHOTO/S: Booble Wonderland on Facebook

Pinabulaanan ng stand-up comedienne na si Boobsie Wonderland na ang nag-viral na Instagram at Threads post tungkol kay Kim Chiu ay mula kay Direk Tony Mark.

Si Direk Tony Mark ay road manager ni Boobsie at isa ring assistant director sa ABS-CBN.

Sa kasalukuyan, burado na ang post na may petsang November 10, 2026, pero kalat na kalat na ang mga screenshots.

Nang nakausap ng Cabinet Files si Boobsie kagabi, Nobyembre 12, 2026, idiniin niya na walang kinalaman sa kumalat na post ang kanyang road manager.

"Hindi totoo na siya ang nag-post nun. Kung may unang makakaalam, kami iyon. Dapat kaming lahat.

"Hindi naman faney si Direk Tony. Nagpatulong kami sa magaling sa Facebook. Na-ano nila na may gumamit ng FB account ni Direk Tony.

"Sabi ko nga, i-screenshot nila lahat para may ebidensiya. Lumabas daw yung post na iyon sa Threads, e, wala naman siyang Threads account.

"Hindi rin naka-post sa FB niya kasi tiningnan namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa Edmonton ngayon sina Boobsie at Direk Tony.

Gusto raw sanang kausapin ng road manager ang kapatid ni Kim na si John Paul, na nakabase sa Canada.

Pero kamakailan ay nasa Pilipinas ito para sa opening ng Davao pop-up store ng House of Little Bunny (HOLB), na negosyo ng aktres.

Sa pagpapatuloy ni Boobsie: "Ang alam namin, ang kapatid ni Kim Chiu na lalake ang nandito sa Edmonton.

"Gusto nga siyang kausapin ni Direk Tony dahil nababahala ito.

"Ang sa akin lang, gagawa-gawa sila ng anomalya, tapos magtatago sila,” ang pasaring ng stand-up comedienne sa umano'y hacker ng social media account ni Direk Tony.

Ano ang reaksiyon ng road manager nung nakita ang post?

"Na-upset siya noong una kasi pinu-push ko na baka ginawa niya.

"Sabi niya, ‘Bakit ko gagawin iyon, Ate? Anong pakialam ko kay Kim Chiu?’"

Read: Jessica Sanchez: A new chapter, in her own voice

HACKING INCIDENTS

Hindi raw ito ang unang beses na na-hack ang account ng kanyang road manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kuwento pa ni Boobsie: "Naba-bother kasi ako dahil minsan nang na-hack ang social media account ni Direk Tony. Pinagmumura niya ako. Hingi nang hingi ng pera sa akin.

"Nang tanungin ko siya, wala siyang alam. Yun pala, na-hack ang account niya."

Maging si Boobsie raw ay naging biktima na rin ng social media scammer at hacker.

Ginamit daw ang kanyang pangalan at nagbenta ng tickets para sa isang show sa Amerika na pangungunahan niya.

"Nangyari rin sa akin dati na nagbebenta ako ng tickets sa Amerika tapos na-sold out. Wala naman akong alam, wala rin akong show sa Amerika,” ang nagtataka at natatawang salaysay ni Boobsie.

"Like ako kasi, open ang cellphone ko, wala akong password kaya puwedeng buksan ang FB ko.

"Itong si Boobay, kaibigan ko naman kaya hindi ako nagalit kaya natawa na lang ako.

"Nakita ni Boobay yung cellphone ko sa Klownz, nakapatong lang sa kung saan, naiwan ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Maya-maya, ang dami nang comments sa FB ko. Sabi ni Boobay, ’Natingnan mo na ba yung FB mo?’

“Sabi ko, bakit? 'Ang bastos ng sinabi mo dun.’

"Naka-post pala dun na 'I’m getting hot. I feel horny.’

"Pinaglaruan ako ni Boobay. May ganoong kiyeme,” ang sabi ni Boobsie.

Muli, iginiit ng host na walang kaugnayan si Direk Tony sa social media post tungkol kay Kim.

"Lahat kami, makapagpapatunay na hindi si Direk Tony ang nag-post na buntis si Kim.

"Nung time na iyon kasi, magkikita si Direk Tony saka yung mapapangasawa niya kaya happy kami para sa kanya.

"Nagpaalam siya na magkikita sila. Pupuntahan siya ng mapapangasawa niya kaya mapapatunayan ko na hindi siya ang nag-post nun,” ang mariing pahayag ni Boobsie na nakatakdang bumalik sa Pilipinas sa Nobyembre 24, pagkatapos ng concert tour sa Canada ng grupo nila.

KIM CHIU'S WARNING

Sa isang post sa X noong November 11, naglabas ng pahayag si Kim Chiu tungkol sa mga kumakalat na balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: "My legal team is already looking into the individuals and platforms responsible for spreading false information, malicious rumors, and invading my privacy, including possible violations of Article 26 of the Civil Code of the Philippines."

Saklaw ng Article 26 ng Civil Code of the Philippines (Republic Act No. 386) ang pangangalaga sa privacy at peace of mind ng bawat indibidwal.

Read: Kim Chiu eyes legal action vs. individuals spreading fake news

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobsie Wonderland (main) denies that her road manager, Direk Tony Mark (inset), was behind the now-deleted post claiming Kim Chiu was “buntis.”
PHOTO/S: Booble Wonderland on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results