PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu eyes legal action vs. individuals spreading fake news

Kim: "Monetization is temporary. Integrity is your legacy."
by Khryzztine Joy Baylon
Published 6 hours ago
Kim Chiu eyes legal action vs. individuals spreading fake news
Kim Chiu's legal team is looking into possible legal action against individuals and platforms spreading false information and invading her privacy.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram

Pinag-aaralan na ni Kim Chiu ang posibleng pagsasagawa ng legal na hakbang laban sa mga indibidwal at online platforms na diumano'y nagpapakalat ng maling impormasyon, malisyosong tsismis, at panghihimasok sa kaniyang pribadong buhay.

Sa isang post sa X nitong Miyerkules, November 11, 2026, sinabi ni Kim na kasalukuyan nang sinusuri ng kaniyang legal team ang posibleng paglabag sa Article 26 ng Civil Code of the Philippines.

"My legal team is already looking into the individuals and platforms responsible for spreading false information, malicious rumors, and invading my privacy, including possible violations of Article 26 of the Civil Code of the Philippines," saad ni Kim sa kanyang post.

Ang Article 26 ng Civil Code of the Philippines (Republic Act No. 386) ay nagtatakda ng tungkuling igalang ang dignidad, pagkatao, privacy, at peace of mind ng bawat indibidwal.

Read: Kim Chiu chooses to "stay strong" amid a "difficult day"

Kabilang sa mga gawaing saklaw nito ang panghihimasok, panghihiya, o panggugulo sa pribadong buhay ng isang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, binigyang-diin din ni Kim na maaaring gamitin ang social media sa mabuti o masamang paraan, kaya nananawagan siya sa publiko na maging responsable sa paggamit nito.

Aniya, hindi dapat ginagamit ang social media upang manira, manghusga, o makialam sa pribadong buhay ng ibang tao.

Kim Chiu
Photo/s: Nikko Tuazon

Paalala pa ng aktres, hindi lahat ng pinagdaraanan niya ay kailangang ibahagi at ipaliwanag sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "Social media can be a powerful tool for both good and bad. Sana gamitin natin ito sa mabuting paraan, hindi para manira, manghusga, o makialam sa pribadong buhay ng ibang tao.

"Not everything I go through needs to be shared, explained, or justified to the public. You never know what someone is going through until you’re in their shoes.

"Freedom of expression comes with responsibility

"A little kindness and respect can go a long way."

Read: Kim Chiu stands firm on pursuing legal case vs. sister Lakam

Kim slams those who exploit others' lives for content

Hindi rin pinalampas ni Kim ang umano'y paggawa ng mga kuwento tungkol sa buhay ng ibang tao para lamang kumita sa social media.

Ayon sa TV host-actress, nakalulungkot na may mga taong gumagawa ng sariling naratibo tungkol sa buhay ng mga taong hindi naman nila lubos na kilala, o hindi man lamang bineberipika kung may katotohanan ang mga impormasyong ibinabahagi nila, para lamang pagkakitaan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"It’s sad what our society has come to. Creating narratives about someone’s life you barely know, just to make a story more interesting for monetization. At whose expense?"

Read: Kim Chiu breaks silence after sister Lakam Chiu’s arraignment

Nauunawaan daw ni Kim na hindi madaling kumita ng pera, pero hindi raw tama na gamitin ang ibang tao para lamang magkaroon ng pagkakakitaan.

Pahayag niya: "I understand how difficult it is to earn a living, especially as we get older. But should earning money come at the cost of someone else’s peace and dignity?

"At the end of the day, what legacy do we want to leave behind in Philippine showbiz?

"Monetization is temporary. Integrity is your legacy."

Hindi direktang binanggit ni Kim kung ano ang pinagdadaanan niya, pero hindi kaila sa publiko ang personal na isyung kinaharap niya nitong mga nagdaang buwan.

Kasabay pa nito ang hindi mamatay-matay na intrigang pinupukol sa kanya sa gitna ng kanyang pagpapahinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula Setyembre 2026 ay napansin ng netizens na wala siya sa It's Showtime, kahit nang magdiwang ang Kapamilya noontime show ng 17th anniversary nito noong October.

Hindi rin personal na nakadating si Kim sa pagbukas ng pop-up store ng HOLB sa Davao noong October.

kim chiu fans on actress-tv host's whereabouts

Samantala, bagamat walang tinukoy na indibidwal si Kim sa kaniyang post, may kumakalat na usap-usapan sa social media na nasa Edmonton, Canada ang aktres ngayon.

Kaakibat ito ng intrigang ipinupukol sa actress-TV host.

Kinontra naman ito ng mga tagahanga ni Kim matapos magbahagi ang aktres sa kaniyang Instagram Stories nitong Miyerkules, November 11.

Makikita sa post ang litrato ng kapatid ni Kim na si John Paul Chiu.

Ang kumuha ng litrato, na hinihinalang si Kim, ay makikitang sumenyas ng finger heart base pa rin sa picture.

Nagpasalamat si Kim kay John Paul na tumutulong sa negosyo niya na House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB).

Read: Kim Chiu's business ventures through the years

Mababasa sa caption ng post ng It's Showtime co-host, "Pinoy breakfast sa taga-Canada!

"Off to @houseoflittlebunniy.ph 3rd pop-up store. This Saturday, Nov 14, in Trinoma.

"Thank you, John na tibuok jud nimo (dahil nabuo mo ang) everything.

"My not-so-little brother anymore."

Kim Chiu

Photo/s: @chinitaprincess on Instagram

Ang interpretasyon ng fans ni Kim, base sa larawan at caption ng aktres, nasa Pilipinas ito at wala sa Canada.

Inaasahang malagpasan ni Kim kung ano man ang pinagdadaanan ito, lalo pa't isa siya sa mga inaabangang presensiya sa pagdiriwang ng Metro Manila Film Fest 2026.

Ang Perfect Marriage na pinagbibidahan nina Kim at Paulo Avelino ay isa sa entries ng filmfest.

Read: Cianne Dominguez speaks up for Kim Chiu amid pregnancy rumors

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu's legal team is looking into possible legal action against individuals and platforms spreading false information and invading her privacy.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results