PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rovelyn Baterbonia posts photo of son Rene with PJ Simon

Jay Sonza mourns neighbor and PBA star PJ Simon.
by Jojo Gabinete
Published 2 days ago
rovelyn baterbonia pj simon death
Rovelyn Baterbonia pays tribute to late PBA star PJ Simon by sharing a photo of him with her son, Rene Baterbonia, who died in a drowning incident in June 2026: “Magkasama na po Ang jersey #8 at jersey#2. RIP sa inyong dalawa, aking anak Rene Baterbonia at PJ Simon.”
PHOTO/S: Facebook

Nagpahayag ng pagdadalamhati si Rovelyn Baterbonia sa pagpanaw ng dating PBA player na si Peter June “PJ” Simon, na binawian ng buhay noong Nobyembre 20, 2026, matapos umanong atakehin sa puso.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Rovelyn ang larawan ng anak niyang si Rene Baterbonia kasama si Simon.

Kalakip nito ang maikling mensahe ng pamamaalam na nilagyan niya ng crying emojis.

“Magkasama na po Ang jersey #8 at jersey#2

"RIP sa inyong dalawa, aking anak Rene Baterbonia at PJ Simon,” caption ni Rovelyn.

rovelyn baterboniapj simon death
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Rovelyn ang ina ni Rene, ang Ateneo student-athlete na nasawi matapos malunod sa karagatan ng Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8, 2026.

Read: PBA legend Peter June "PJ" Simon dies at 46

UPDATE ON RENE BATERBONIA MOVIE

Samantala, nagsisimula nang lumabas ang mga larawan at video clip mula sa pagsasapelikula ng kuwento ng buhay ni Rene.

Nagbahagi na si Rommel Padilla ng ilang larawan mula sa shooting ng pelikulang Kid With a Big Dream, na idinidirehe ng kapatid niyang si BB Gandanghari.

rommel padilla bb gandanghari
Rommel Padilla shares a behind-the-scenes photo from the set of the film about Rene Baterbonia, directed by his sibling, BB Gandanghari.
Photo/s: Rommel Padilla Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganap si Rommel bilang mentor at coach ni Rene sa pelikula, habang ang 14-year-old student-athlete na si Kyle Reese Degullacion naman ang bibida bilang batang Rene.

May ilang miyembro ng media na nakikipag-ugnayan na sa kampo ni Kyle upang makapanayam siya. Gayunman, hindi pa siya pinahihintulutang magsalita tungkol sa proyekto.

Diumano, papayagan lamang siyang magbigay ng interview kapag malapit na ang pagpapalabas sa mga sinehan ng kaniyang debut movie.

Read: Kyle Reese Degullacion, 14, lands role in Rene Baterbonia biopic

JAY SONZA ON PJ SIMON'S DEATH

Hindi lamang si Rovelyn ang nagpahayag ng lungkot sa pagpanaw ni PJ Simon. Nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ng dating basketball star ang dating broadcaster na si Jay Sonza.

Ikinuwento ni Sonza na magkapitbahay sila ni Simon sa Barangay Mabuhay, Bansalan, Davao del Sur.

Ayon sa kanya, nalulungkot din ang kanilang komunidad sa biglaang pagkawala ng dating PBA player na nakilala sa bansag na “The Scoring Apostle.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ibinahagi rin ni Sonza na naging abala si Simon sa livestock growing at agriculture matapos niyang magretiro sa PBA.

Magkalapit umano ang kanilang mga lupain at sakahan sa Sitio Lower Mabuhay.

“Our whole village (Barangay Mabuhay, Bansalan, Davao del Sur) is saddened by the untimely demise of our neighbor, basketball superstar PJ SIMON.

“PJ invested his retirement in livestock growing (modern vent poultry raising) and agriculture. Magkalapit ang aming lupain at sakahan dito sa Sitio Lower Mabuhay.

“PJ had cardiac arrest at a young age of 46.

Ang aming pamilya at mga kapitbahay ay nakikiramay po sa kanyang mga naulila,” social media post ni Sonza.

Read: James Yap, Marc Pingris, JC Intal, other PBA stars mourn PJ Simon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rovelyn Baterbonia pays tribute to late PBA star PJ Simon by sharing a photo of him with her son, Rene Baterbonia, who died in a drowning incident in June 2026: “Magkasama na po Ang jersey #8 at jersey#2. RIP sa inyong dalawa, aking anak Rene Baterbonia at PJ Simon.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results