PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

James Yap speaks up about surprise reunion with son Bimby

James Yap clarifies last meeting with Bimby was 12 years ago.
by Jojo Gabinete
Published A day ago
james yap son bimby
James Yap (left) confirms reuniting with son Bimby Aquino Yap (right) at a hospital after 12 years of not seeing each other in person. The former PBA star shared details of their chance encounter during a Facebook Live with friend and fellow basketball player Paul Artadi on November 17, 2026.
PHOTO/S: Facebook

Labindalawang taon na palang hindi personal nagkikita ang dating PBA star na si James Yap at ang anak niyang si Bimby Aquino Yap, bunga ng relasyon nila ng dating asawang si Kris Aquino.

Ito ang nilinaw ni James sa pakikipagkuwentuhan niya sa kaibigan at kapwa basketball player na si Paul Artadi noong Nobyembre 17, 2026.

Sa isang Facebook Live broadcast habang nasa Japan sila, matipid man sa mga salita si James, sinagot niya ang mga tanong ni Paul tungkol sa pagkikita nila ng kanyang estranged son.

Nagsimula ang usapan nang basahin ni Paul ang komento ng isang netizen na nagtatanong tungkol kay Bimby.

“Konsi James, kumusta raw si Bimby?” tanong ni Paul.

“Nagkita ba kayo? Masaya ka?” dagdag pa niya,.

Sinagot naman ito ni James sa pamamagitan ng pagtango at pagsasabing, “Okay naman.”

“Masaya ka? Akala ko nga fake news yon. Saan kayo nagkita?” usisa pa ni Paul.

“Hindi mo nabasa? Sinabi naman, e. Sa ospital,” tugon ni James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

James Yap, Marc Pingris, JC Intal, other PBA stars mourn PJ Simon

THE CHANCE ENCOUNTER

Nang tanungin kung sino ang dinalaw niya sa ospital, sinabi ni James, “Yung daughter ko.”

“Ah, nagkatiyempo lang? Basta na-meet ng daughter mo si Bimby?” tanong ni Paul.

“Naospital yung daughter ko,” maikling paliwanag ni James.

“O may sakit tapos nagkita kayo, nagulat ka?” reaksiyon ni Paul.

“Oo, after twelve years…” sagot ni James.

james yap son bimby
James Yap and son Bimby in an undated photo
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wow, twelve years. Iba yung news, e. Hindi ka naluha? Parang natuwa ka naman?” tanong pa ni Paul, na tila hindi pa rin makapaniwala sa haba ng panahong hindi nagkita ang mag-ama.

“Natuwa siyempre. Tangkad din. Kasing-laki ko na,” sabi ni James.

Hindi napigilan ni Paul na magkomento tungkol sa matagal na pagkakawalay ng mag-ama.

“Grabe, no? Ako nga anak ko, hindi ko makita ng isang linggo, malungkot na ako.

"Sa kanya, twelve years? Twelve years, bro! Mahirap on. Mahirap yon.

"At least, tadhana mo yon na magkita kayo.”

“Showbiz ka,” nakangiting sagot ni James kay Paul, na tumutukoy sa hindi inaasahang pagtatagpo nila nina Kris at Bimby sa ospital.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JAMES YAP AND BIMBY'S CHANCE ENCOUNTER

Unang isiniwalat ni Kris ang hindi inaasahang pagkikita nina James at Bimby noong Nobyembre 11, 2026, sa kanilang live-selling session para sa isang e-commerce platform.

Ayon kay Kris, 11 taon nang hindi nagkikita nang personal ang dating mag-asawa at ang kanilang anak.

Pero batay sa kuwento ni James kay Paul, 12 taon na pala ang lumipas mula nang huli niyang makita si Bimby.

Read: Kris Aquino, Bimby recall unexpected encounter with James Yap

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Yap (left) confirms reuniting with son Bimby Aquino Yap (right) at a hospital after 12 years of not seeing each other in person. The former PBA star shared details of their chance encounter during a Facebook Live with friend and fellow basketball player Paul Artadi on November 17, 2026.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results