Nakiramay si Rovelyn Baterbonia at ang kanyang pamilya sa mga naulila ng dating PBA player na si Peter June “PJ” Simon, na sumakabilang-buhay sa edad na 46 noong Nobyembre 20, 2026.
Nagpunta ang mga magulang at kapatid ni Rene Baterbonia sa burol ni Simon sa Cosmopolitan Funeral Homes, Poblacion, Davao City, noong Lunes, Nobyembre 23.
May mga bumatikos sa ina ni Rene dahil sa Facebook post nito isang araw matapos bawian ng buhay si Simon: “Magkasama na po ang jersey 8 at jersey #2. RIP sa inyong dalawang aking anak Rene Baterbonia at PJ Simon.”

THE STORY BEHIND ROVELYN BATERBONIA'S POST
Hindi alam ng karamihan na may kuwento tungkol sa Facebook post ni Rovelyn dahil personal na magkakilala sina PJ at Rene na binawian ng buhay sa edad na 18 noong Hunyo 8, 2026.
Labing-apat na taong gulang si Rene nang magkasama sila ni PJ sa isang basketball event noong Abril 2024.
Ang litrato ng dalawa na kuha mula sa nabanggit na pagtitipon ang ebidensiya ni Rovelyn.
Muling nagkita sina Rene at PJ sa airport ng Davao City noong Hunyo 2026, ilang araw bago ang malagim na pagkalunod at pagkamatay ng student athlete ng Ateneo de Manila University sa karagatan ng Dipaculao, Aurora.
Papunta noon si PJ sa Maynila para sa kanyang flight sa Dubai, samantalang magsisimula na ang training ni Rene para sa Blue Eagles, ang basketball team ng Ateneo.
Inilathala ng PEP noong Hunyo 10,2026 ang pag-uusap ni PJ at ng kaibigan nito, ang kapwa basketball player na si Paul Artadi.
Nagpahayag ng pagkabigla si PJ nang malaman nitong namatay si Rene.
Sa kuwentuhan nila ni Paul, binanggit pa ni PJ ang payo nito kay Renena: “God bless sa pagpunta mo sa Maynila. Wag ka sumabay sa buhay sa Manila.’”
Read: Rovelyn Baterbonia posts photo of son Rene with PJ Simon
PAUL ARTADI AND RICO MAIERHOFER
Nagpang-abot sa burol ni PJ ang pamilya ni Rene at ang former PBA players na sina Paul Artadi at Rico Maierhofer.

Ilang netizens ang inaakusahang bagong “Rovelyn” ang dalawang basketball stars dahil sa kanilang mga social media post tungkol sa kanilang namayapang kaibigan.
Ngayong Martes, Nobyembre 24, nagpaliwanag si Rico sa mga social media post nito tungkol kay PJ na iniintriga at binibigyan ng ibang kahulugan ng netizens ang kanyang mga video.
Saad ni Rico: “Peter June Simon personally told me, 'Huy Rico, palagi mo ako ilagay sa video natin sa PBA Moto Club, lalo na mga highlights ko, kasi palaging nanonood si Jeidon. Promise mo sa akin, gagawan mo ako ng mga video para kay Jeidon.'
"Jehza was beside him when he said those words,” bahagi ng paglilinaw ni Rico. Si
Si Jeidon na panganay na anak ni PJ at ang dating beauty queen na si Jehza Huelar ang mga tinutukoy ni Rico sa Facebook post nito.
Pagpapatuloy ni Rico: “As a brother and a friend, creating tribute videos to remember him is my way of fulfilling that promise.
"It is not just about making videos—it is about preserving his memories, his moments, his laughter, and the legacy he left behind.
“The videos I created during the first three days of what happened here in Davao were intended for his fans and friends who couldn't be physically present but wanted to know what was happening and be part of the moments of remembrance.
“Knowing Peter, I believe this is something he would have wanted.I do this out of love, respect, friendship, and a promise I made to him.
"It is my privilege to honor him in the only way I know how.
"Rest easy, brother. Your memories will live on.”
Ipinagtanggol din si Rico ng kanyang asawa, si Jeck Maierhofer.
Si Jeck ay naging contestant ng The Amazing Race Philippines, ang reality competition show ng TV5 na napanood mula Oktubre 2012 hanggang Disyembre 2014.
Hindi naitago ni Jeck ang pagkadismaya sa mga bumabatikos sa asawa niya at kay Paul.
Buwelta niya: “Kapag GMA, TV5, at ABS-CBN nagpo-post ng updates, okay lang? Pero kapag kaibigan ni PJ, masama?
“Sobrang daming tao ang nagpo-post ng content for PJ. Check Tiktok.
"It just so happens na mataas ang engagement nina Paul at Rico kaya sila ang mas napapansin!
“Oh my goodness, this life is full of judgment, as if everyone is perfect. Let us just pray for them instead of judging them. Just focus on your own friends and perfect life.
“Hey Rico Maierhofer, Paul Artadi, keep doing what you do and giving PJ's fans what they want and love!
"The Lord knows the status of your heart. I know how PJ loves you both.”
Read: James Yap, Marc Pingris, JC Intal, other PBA stars mourn PJ Simon