PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Korina Sanchez-Roxas joins David Chua’s AI-generated rom-com

David Chua defends AI in showbiz; says it can help jobless actors.
by Jojo Gabinete
Published 14 hours ago
korina sanchez david chua ai film
Award-winning broadcaster Korina Sanchez makes a special appearance as an AI-generated version of herself in David Chua’s romantic-comedy project Ikaw Na Naman?.

May special participation ang award-winning broadcaster na si Korina Sanchez sa Ikaw Na Naman?, ang AI-generated romantic-comedy film project ng actor-director na si David Chua.

Ginagampanan ni Korina ang sarili niya sa pelikula, pero AI-generated ang kanyang hitsura.

korina sanchez ikaw na naman

Kabilang din sa cast sina David, ang AI character na si Sophia Moretti, at ang AI-generated character ni Daiana Menezes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ikaw na naman

Ayon kay David, isa si Korina sa mga kauna-unahang totoong personalidad na ginawa niyang AI character.

“Kasali si Korina as herself, iba lang ang boses niya sa Ikaw Na Naman?,” sabi ni David nang makausap ng Cabinet Files nitong Miyerkules, Nobyembre 25, 2026.

“Si Korina ang isa sa mga kauna-unahan na totoong tao na ginawa ko na AI character at mapapanood sa Ikaw Na Naman?.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hiningan ko si Korina ng sampung pictures kasi kailangan ko ng mga anggulo, hindi puwedeng isang litrato lang.

“Yung pictures, nakaharap siya, nakatalikod, nakatagilid sa kaliwa at kanan tapos half-body at whole body.

"Ako na ang bahala sa damit, pati sa kulay ng buhok,” kuwento ni David.

Read: David Chua makes it clear: Sophia Moretti is his AI girlfriend

DAVID CHUA ON AI'S IMPACT ON SHOWBIZ

Tinanong din si David kung nangangamba siyang maapektuhan ng artificial intelligence ang trabaho at kabuhayan ng mga artista at iba pang manggagawa sa entertainment industry.

Para sa aktor at direktor, hindi dapat ikabahala ang paggamit ng AI dahil maaari pa raw itong magbigay ng bagong oportunidad sa mga artistang walang regular na trabaho.

Saad ni David: “Hindi naman ako nag-aalala na maaapektuhan ng AI ang mga artista dahil ang daming mga artista ang walang trabaho sa panahon ngayon kaya makakatulong pa kami.

“Ang mahal kasi ng production cost kung totoong mga tao ang gagamitin ko. Milyun-milyong piso ang magagastos, alam naman natin yan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Inaabot din nang matagal ang shooting. Gagastos ka ng milyones para makagawa lang ng short film.

“Ito, kahit sabihin na AI, nakakakagawa tayo. Ikaw pa rin ang mapapanood, ikaw pa rin ang bida pero AI nga lang.

“Saka depende naman, kung pangit ang AI movie o series mo, papanoorin ba? Depende sa content, e. Ganoon din naman sa mga pelikula at teleserye.”

Ang Dark Carnival Productions ni David ang producer ng Ikaw Na Naman?, na mapapanood sa website ng SeryePop Media simula sa ikalawang linggo ng Disyembre 2026.

Read: Former PBB Otso housemate Hasna Cabral dies after stroke

DAVID CHUA'S NEW AI FILM AND SERIES VENTURE

May partnership venture si David at ilang investors na lumapit daw sa kanya matapos mapansin ang mga AI-generated post niya sa Instagram, kabilang ang kanyang AI fiancée na si Sophia Moretti.

Kuwento niya: “Nakita nila ang mga post ko sa Instagram at ang pagkakaroon ko ng AI fiancée, si Sophia Moretti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinausap ako ng mga investor dahil gusto nila na mag-produce ng AI movies at series na ipalalabas sa SeryePop Media website.

“Tungkol sa mga rider, kasambahay o mga tao na inaapi sa buhay pero nagtatagumpay ang mga kuwento na gagawin namin.

"Mga typical revenge and success story na magiging inspirasyon at kapupulutan ng mga aral.”

Bukod sa paggawa ng sariling proyekto, bukas din ang kanilang kumpanya sa mga interesadong sumali bilang AI o Meta actors, gayundin sa mga manunulat at direktor na gustong mag-submit ng kanilang mga obra.

“Naghahanap din kami ng mga interesado na maging Meta actor. Puwede kang maging AI o Meta actor, basta magpadala ka lang ng resumé, litrato, at voice recording.

“Gagawin naming AI characters sa aming mga AI series and movies ang mga mapipili naming gustong maging AI actor.

“Kung writer ka naman at gusto mong mag-submit ng kuwento, puwede naming bilhin ang kuwento, i-produce at ipalabas sa aming website.

“Kung direktor ka, i-submit mo lang ang resumé mo, puwede kang gumawa at magpadala ng content na ipapalabas namin sa SeryePop Media kapag nakapasa sa amin,” sabi ni David.

Ang bagong kompanya at AI projects ang pinaglalaanan ngayon ng panahon ni David, kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at pagbabago sa entertainment industry.

Read: Miss Universe 2026 winner Jennifer Barreto faces online backlash

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning broadcaster Korina Sanchez makes a special appearance as an AI-generated version of herself in David Chua’s romantic-comedy project Ikaw Na Naman?.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results