PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotto winner gets PHP14.3M prize 12 years after ticket was burned

Antonio Mendoza finally claims lotto prize after Supreme Court ruling.
by Jojo Gabinete
Published 14 hours ago
antonio mendoza lotto winner
Antonio Mendoza (right) receives a PHP14,357,281.28 check from PCSO General Manager Melquiades Robles (left) on November 25, 2026, nearly 12 years after winning the Lotto 6/42 jackpot with a ticket that was accidentally burned by an iron (inset).
PHOTO/S: PCSO / Facebook

Makalipas ang 12 taon, natanggap na rin ni Antonio Mendoza ang mahigit PHP14 milyon na napanalunan niya sa Lotto 6/42 noong Oktubre 2, 2014.

Naging napakalaking regalo ito para kay Mendoza, na nagdiriwang ng kanyang ika-59 kaarawan ngayong Huwebes, Nobyembre 26, 2026.

Forty-seven years old pa lamang si Mendoza nang tumaya siya sa isang Lotto outlet sa Calaca, Batangas.

Nanalo siya ng PHP12,391,600 na jackpot prize, pero hindi niya agad ito na-claim dahil napaglaruan at nagusot ng kanyang apo ang thermal-paper ticket.

Sinubukan ng ina ng bata na plantsahin ang ticket upang maalis ang mga gusot.

Gayunman, nasunog ang bahagi nito, dahilan upang hindi ibigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang premyo.

antonio mendoza lotto winner
Antonio Mendoza displays the Lotto ticket that was damaged by an iron in 2014.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, nagsampa ng kaso si Mendoza sa Batangas Regional Trial Court noong 2015.

Pumanig sa kanya ang korte, ngunit umabot pa sa Court of Appeals noong 2020 at sa Supreme Court noong 2023 ang usapin.

Parehong pumanig kay Mendoza ang dalawang appellate court.

Inilabas ng Supreme Court ang pinal na desisyon noong Abril 2024.

Kalaunan, ipinagkaloob ng Commission on Audit (COA) ang pahintulot para maibigay kay Mendoza ang kanyang jackpot prize.

Read: Lotto winner na nasunog ang ticket, makukuha ang premyong PHP12M

MENDOZA FINALLY RECEIVES HIS LOTTO PRIZE FROM PCSO

Noong Miyerkules, Nobyembre 25, 2026, ibinahagi mismo ng PCSO ang magandang balita tungkol sa pag-claim ni Mendoza ng kanyang premyo.

Mula sa orihinal na jackpot na PHP12,391,600, nakatanggap siya ng tsekeng nagkakahalaga ng PHP14,357,281.28.

Nadagdagan ang halaga dahil sa accrued 6 percent annual legal interest, moral damages, at attorney’s fees.

Personal na iniabot ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang tseke kay Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyan din siya ng birthday cake at kinantahan ng “Happy Birthday” bilang bahagi ng turnover ceremony.

Sa pahayag ng PCSO, kinilala nito ang tiyaga ni Mendoza sa paghabol sa kanyang karapatan bilang lehitimong jackpot winner.

Saad ng PCSO: “Pagkatapos ng 12 taong pagsubok, natanggap na ni Antonio Mendoza ang kanyang P14,357,281.28 million check mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong araw, November 25, 2026—ganap na napakalaking regalo isang araw bago ang kanyang 59th birthday.

“Matatandaang nanalo si Mendoza noong 2014, ngunit nagkaroon ng sira ang kanyang winning ticket dahil sa plantsa.

"Sa kabila ng matagal na proseso, sa maiging gabay ni PCSO General Manager Melquiades 'Mel' Robles, napatunayan at naprotektahan ang kanyang karapatan bilang legit jackpot winner alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema at pahintulot ng Commission on Audit (COA).

“Maraming salamat kay Mr. Mendoza sa kanyang lakas ng loob at sa pagiging kauna-unahang jackpot winner sa kasaysayan ng PCSO na bukas-palad na nagpakita ng kanyang pagkakakilanlan sa ginanap na turnover."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag nito: “Mahalagang paalala lamang, mga ka-lotto! Alagaan ang inyong mga lotto ticket dahil ang mga ito ay nakatatak sa thermal paper. Upang maiwasan ang anumang aberya sa pag-claim, ingatan at itago ang ticket sa ligtas at tuyong lugar, malayo sa init at direct sunlight.

“Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtangkilik sa mga palaro ng PCSO!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Radio DJ Diego Bandido dies at 47

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Antonio Mendoza (right) receives a PHP14,357,281.28 check from PCSO General Manager Melquiades Robles (left) on November 25, 2026, nearly 12 years after winning the Lotto 6/42 jackpot with a ticket that was accidentally burned by an iron (inset).
PHOTO/S: PCSO / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results