PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Keanna Reeves, BB Gandanghari reunite in Rene Baterbonia movie

Three actors to portray Rene Baterbonia in upcoming movie.
by Jojo Gabinete
Published 3 hours ago
keanna reeves bb gandanghari
Keanna Reeves joins BB Gandanghari's Just a Kid With a Big Dream, the upcoming film about late Ateneo basketball player Rene Baterbonia. According to Keanna, BB personally requested for her to portray the aunt of Rene's character.
PHOTO/S: Keanna Reeves Facebook

Tatlong aktor, at hindi lamang isa, ang gaganap bilang Rene Baterbonia sa pelikulang may working title na Just a Kid with a Big Dream, na tungkol sa buhay ng yumaong Ateneo de Manila University basketball player.

Kinumpirma ito ni Keanna Reeves, na kasama sa cast ng pelikula.

Dalawa sa mga aktor na gumanap bilang Rene ay sina Kyle Reese Degullacion, na bibida bilang batang Rene, at James Asley Pranggos, na gaganap naman bilang adult Rene.

Kasama rin sa cast si Keanna bilang kapatid ni Rovelyn Baterbonia, na ginagampanan ni Jean Garcia, at tiyahin ni Rene.

Ayon kay Keanna, hiniling mismo ni BB Gandanghari, ang direktor ng pelikula, na magkaroon siya ng partisipasyon sa proyektong pinag-uusapan ngayon.

“Kapatid ako ni Rovelyn, tiya ako ni Rene.

"Tapos na ang shooting ko, one day lang kasi ni-request lang ako ni BB Gandanghari.

"Ako ang pinaka-last na nag-shooting,” kuwento ni Keanna nang makausap siya ng Cabinet Files.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PBB winner Keanna Reeves opposes PBB livestream shutdown

KEANNA REEVES REVEALS BB GANDANGHARI'S TAMPO

Ibinahagi rin ni Keanna na may tampo sa kanya si BB, bagamat hindi muna niya idinetalye ang pinagmulan nito.

Matagal na raw niyang gustong makita nang personal ang kaibigan. Kaya naman naging emosyonal ang kanilang pagkikita sa lobby ng hotel.

“Lagi ko naman sinasabi na may tampo si BB sa akin, pero gusto ko rin naman siyang makita nang personal.

“Siya ang may tampo, alam naman niya yon.

"kaya nang magkita kami, tinawag niya ako kasi malabo ang mata ko. Hindi ko siya agad nakita sa lobby ng hotel.

“Sabi niya, ‘Keanna!’

“Narinig ko agad, lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya. Matagal kaming nagyakapan, nag-sorry pa ako sa kanya.

“Sabi ko, ‘Alam ko nagtampo ka sa akin, sorry na. I miss you so much.’

“Sabi niya, ‘Ni-request talaga kita.’”

Naging malapit sina Keanna at BB nang magkasama sila sa unang batch ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong 2006.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya ay nag-open up kay Keanna si BB, na kilala pa noon bilang Rustom Padilla, tunagkol sa kanyang tunay na katauhan.

Pagkatapos mag-come out ay nag-voluntary exit si BB, habang si Keanna naman ang itinanghal na Big Winner.

Read: Showbiz history: The coming-out story of BB Gandanghari

RENE BATERBONIA MOVIE SHOOTING

Natapos na ang shooting ng Just a Kid with a Big Dream, ngunit hindi pa alam ni Keanna kung kailan ito ipalalabas.

Patuloy na pinag-uusapan sa social media ang pelikula, kasunod ng mga kontrobersiyang bumalot sa pagpanaw ni Rene, na nalunod sa karagatan ng Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026.

Dahil sa paglaganap ng social media at paggamit ng cellphone cameras, marami ang sumubaybay sa shooting ng pelikula.

Dinumog din ng mga tao ang ilang shooting locations, kaya hindi napigilan ang pagkalat ng mga larawan at video mula sa set.

Kabilang sa mga kumalat online ang airport scene nina Jean Garcia at James Asley Pranggos, gayundin ang drowning scene ni Rene.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
James Asley Pranggos and Jean Garcia
James Asley Pranggos also portrays Rene Baterbonia in the upcoming film about the late Ateneo Blue Eagles player. (Right) James shares a scene with Jean Garcia in the movie.
Photo/s: Facebook

Kinunan ang naturang eksena sa Mayo Bay sa City of Mati, Davao Oriental, na kilala bilang one of the most beautiful bays in the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
bb gandanghari rene baterbonia movie
BB Gandanghari on the set of Rene Baterbonia movie at Mayo Bay in Mati, Davao Oriental.
Photo/s: Facebook

Read: Aga Muhlach, Jodi Sta. Maria reveal recent miracles in their lives

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keanna Reeves joins BB Gandanghari's Just a Kid With a Big Dream, the upcoming film about late Ateneo basketball player Rene Baterbonia. According to Keanna, BB personally requested for her to portray the aunt of Rene's character.
PHOTO/S: Keanna Reeves Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results