PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rayver Cruz recalls emotional moment asking for Julie Anne's hand

Rayver Cruz talks to late mom's photo before asking Julie Anne San Jose's hand.
by Jojo Gabinete
Published 1 Hour ago
julie anne san jose rayver cruz fast talk
Rayver Cruz recounts how he gathered the courage to ask Julie Anne San Jose's parents for her hand in marriage, including the emotional moment when he wished his late mother could have been by his side.
PHOTO/S: GMA Network / Jojo Gabinete

Hindi napigilan ni Rayver Cruz na maiyak nang mapag-usapan ang kanyang yumaong ina na si Beth Cruz, na pumanaw noong Pebrero 2, 2019.

“First time ko na umiyak sa Fast Talk,” sabi ni Rayver, na naging emosyonal sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Si Rayver at ang fiancée niyang si Julie Anne San Jose ang naging guests sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, Nobyembre 27, 2026.

Naging sentro ng kanilang pag-uusap ang engagement ng dalawa, na naganap noong Nobyembre 23 sa Cork Elite, Bonifacio Global City, Taguig City.

Nang tanungin ni Boy kung nami-miss niya ang kanyang ina, ikinuwento ni Rayver ang isang emosyonal na sandali bago siya pumunta sa bahay nina Julie Anne upang personal na hingin ang basbas ng mga magulang nito.

“Bago po ako umalis ng bahay para pumunta kina Julie para magpaalam sa parents niya, may malaking picture frame si Mama sa kuwarto ko and kinausap ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinabi ko na, ‘Mama, samahan mo ako today kasi kakausapin ko na yung magulang ni Julie. Magpapaalam na ako. Sana nandito ka kasi gusto ko sana sama-sama tayo,'” lahad ni Rayver.

Napaluha ang aktor sa pagbabalik-tanaw at napatanong, “Ba’t naiiyak ako?”

Inamin din ni Rayver na araw-araw niyang nararamdaman ang pangungulila sa kanyang ina.

Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz are now engaged

RAYVER PERSONALLY ASKS FOR JULIE ANNE'S HAND IN MARRIAGE

Bago ang engagement, personal na humingi si Rayver ng basbas sa mga magulang ni Julie na sina Jonathan at Marivic San Jose.

Kasama ng Kapuso actor ang kuya niyang si Rodjun Cruz sa mahalagang sandaling iyon.

Hindi raw alam ni Julie Anne ang plano niya, kaya naging sorpresa ang pagpunta niya sa bahay ng pamilya nito.

Kuwento ni Rayver: “Kinausap ko po yung magulang.

"Siyempre, isinama ko rin po si Rodjun kasi gusto ko po sana, kung buhay si Mama, sabay-sabay, pero bilang si Rodjun, sinamahan po niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kinausap ko yung parents niya [Julie Anne] na hindi niya alam.

“Sinabi ko, ‘Tito, Tita, unang-una po sa lahat, maraming-maraming salamat po sa pagtanggap ninyo sa akin dito sa pamilya ninyo. Sa pagpaparamdam sa akin na mahal na mahal ninyo ako.

“'Sa tingin ko po, oras na po na kung hahayaan ninyo po ako, gusto ko na pong hingin ang kamay ng anak ninyo kasi mahal na mahal ko siya.'

“Naiyak si Tita tapos medyo teary-eyed si Tito tapos nag-yakapan kami.”

Aminado ang aktor na hindi niya masyadong narinig ang naging sagot ng mga magulang ni Julie Anne dahil sa sobrang kaba at emosyon.

Read: Robbie Jaworski and Magui Ford unfollow each other on Instagram

RAYVER STUTTERS WHILE ASKING FOR JULIE ANNE'S PARENTS' BLESSING

Hindi naman nakaligtas sa pansin sa kuya ni Rayver na si Rodjun ang kakaibang pagkautal ng kapatid habang nakikipag-usap sa mga magulang ni Julie Anne.

Pagbabahagi ni Rayver: “Medyo bingi-bingi po ako kasi parang nauutal-utal nga po ako. Sabi ni Rodjun, ‘First time kitang nakita na sobrang uutal-utal ka.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi raw emotion na yung lumalabas sa akin. Ang alam ko lang nung araw na yon, masyado akong maraming iniisip nang araw na yon, pero lahat nang yun, suwabeng lumabas.

"Nakita ko na sobrang genuine din na talagang mahal ako ng magulang ni Julie.

“Talagang lalong gumaan yung loob ko kasi tanggap nila ako. And sa guidance ni Lord, nandito na po kami ngayon. May suot na siyang singsing.”

Isa sa mga hindi malilimutang sandali para kay Rayver ang masayang reaksiyon ng ama ni Julie sa kanyang paghingi ng basbas.

“Ang pinakanaaalaala ko, sobrang happy si Papa niya. Sobrang happy siya na ako mismo yung lumapit at nagpaalam na hingin yung kamay ng anak niya.

“And ang tumatak talaga sa akin, ‘Ang importante sa akin, nakita naman namin na mahal na mahal mo yung anak namin.

"'Yun ang mahalaga sa amin. Talagang full support kami sa inyong dalawa kung anuman ang magiging desisyon ninyo sa future.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Mama niya kasi hindi masyadong nagsasalita kasi umiiyak na si Tita, pero sobrang laki ng respeto ko sa magulang ni Julie.

"Sobrang thankful po ako kay Tito Jun and kay Tita Vic na soon-to-be mom and dad. Yey!”

Read: Lotto winner gets PHP14.3M prize 12 years after ticket was burned

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rayver Cruz recounts how he gathered the courage to ask Julie Anne San Jose's parents for her hand in marriage, including the emotional moment when he wished his late mother could have been by his side.
PHOTO/S: GMA Network / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results