Handa na sa habambuhay na pagsasama ang Kapuso couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Matapos ang limang taon nilang relasyon bilang magkasintahan, haharap na ang dalawa sa panibagong yugto ng kanilang buhay matapos nilang ibahagi sa publiko ang balitang engaged na sila.
Read: Rayver Cruz on marrying Julie Anne San Jose: “Doon papunta.”
Gabi nitong Lunes, November 23, 2026, nang i-upload ni Rayver sa Instagram ang video ng pagluhod niya sa harap ni Julie Anne upang alukin ito ng kasal.
Sinimulan ni Rayver ang video sa pamamagitan ng isang pre-recorded message na kinunan niya noong November 20, tatlong araw bago niya tuluyang hingin ang kamay ng nobya.
Dito, ibinahagi ng aktor ang nararamdaman niyang excitement at kaba sa nalalapit na araw ng kaniyang pagpo-propose.
Read: Rayver Cruz feels sure that he wants to marry Julie Anne San Jose
Ayon kay Rayver, sinadya niyang isagawa ang proposal sa araw na ipinagdiriwang nila ni Julie Anne ang kanilang ikalimang anibersaryo.
Pahayag niya sa video: "Sobrang big day nito. Siyempre, kinakabahan ako na nae-excite. Alam kong wala ka talagang alam sa mga mangyayari.
"Mga ilang days ko na nararamdaman yung kaba, pero habang papalit nang papalit yung big day, mas lalo akong nae-excite.
"Mas lalo kong gustong makita yung hitsura mo, yung hitsura ng family mo, yung hitsura ng mga nagmamahal sa atin.
"Naisip ko, five years na nga pala kami. So, di ba, parang mas espesyal yon na anniversary. Parang in a way, parang hindi mo iisipin na magpo-propose ako.
"Kasi kapag anniversary namin, simple lang, masaya na kami, e. Like movie date, kami, ganon.
"Iba pala yung pakiramdam kapag nalalapit na at gusto mo nang hingin yung kamay ng taong mahal mo."
Read: Julie Anne says sleepover not allowed in relationship with Rayver
Dagdag pa ni Rayver, "Hopefully, maiyak siya sa tuwa at makuha ko yung matamis niyang oo."
THE BIG DAY FOR JULIE ANNE AND RAYVER
Sa pagsapit ng pinakahihintay na araw ni Rayver, present ang ilang kapamilya, kaibigan, at iba pang mahal sa buhay ng magkasintahan.
Naganap ang proposal sa isang fine-dining restaurant sa Taguig City.
Kitang-kita ang pagkagulat ni Julie Anne nang dalhin siya ni Rayver sa isang bahagi ng restaurant upang panoorin ang pre-recorded video message ng aktor.
Habang pinanonood niya ang mensahe, bigla namang lumitaw sa likuran nila ang mga kapamilya at kaibigan na naging bahagi ng espesyal na okasyon.
Pagkatapos nito, personal nang ibinahagi ni Rayver ang inihanda niyang mensahe para sa nobya.
Aniya, "Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita at totoo yung sinasabi ko na mamahalin kita habambuhay, kung hahayaan mo lang ako."
Ilang saglit pa, tuluyan nang lumuhod si Rayver at nagtanong, "Ms. Julie Anne San Jose, will you marry me?"
Bakas ang emosyon sa mukha ni Julie Anne nang sagutin niya ng "Yes!" ang alok na kasal ng nobyo.
May pagkakataon pang hindi makapaniwala ang aktres na engaged na sila ni Rayver.
Habang nakayakap sa nobyo at umiiyak, nasambit niya, "Oh my God, totoo ba 'to?" Tinapik-tapik pa ni Julie ang kanyang pisngi para siguruhing hindi lang iyon isang panaginip.
CONGRATULATORY MESSAGES POUR IN FOR NEWLY ENGAGED COUPLE
Samantala, sa comments section ng nasabing video ay bumuhos ang pagbati para sa newly engaged couple.
Komento ni Kris Bernal, "Awwww!!! Congrats!! You truly deserve each other!! Cheers to forever."
Bati ni David Licauco, "Congrats, brother and Julie!!"
Saad ni Gabbi Garcia, "BRB CRYING OMAYGAD MARE!!!!! Congratulations you two waaaaaaah!!!!"
"OMG NAKAKAIYAK! CONGRATULATIONS!!!!," sabi naman ni Dani Barretto.
Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together
"MOM AND DAD!!! FINALLY!!! CONGRATULATIONS," dagdag pa ni Kyline Alcantara.
Maging ang nakatatandang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz ay nag-post din sa Instagram ng larawan nilang tatlo ni Julie Anne upang batiin ang magkasintahan.
Ani Rodjun sa caption (published as is), "Mahal na mahal ko kayo @myjaps & @rayvercruz ! Sobrang happy ako para sa Inyo wohoooo!!!
"Congratulations! God bless you both always."
Read: Rodjun Cruz believes JulieVer will end up getting married
