Ang kumpirmasyon ni Aiko Melendez sa PEP.ph na may relasyon sila ni Mayor Jay Khonghun ang dahilan kaya nagkaroon ng interes ang publiko sa incumbent mayor ng Subic, Zambales.

Read: Aiko Melendez admits relationship with Subi Mayor Jay Khonghun
Isinilang si Khonghun sa Olongapo City noong June 26, 1977 at nagtapos siya ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa MAPUA University noong 2000.
Married ang civil status ni Khonghun sa biography nito sa government website ng Subic.

Kasal si Khonghun kay Eloisa Lopez Recella at isa ang kanilang anak, si Justine Jefferson.
Bago siya pumasok sa public service, manager si Khonghun ng NDK Builders Aningway.
Nag-umpisa ang political career ni Khonghun bilang provincial board member (two terms ) ng Zambales mula July 2004 hanggang June 2010. Nahalal si Khonghun na municipal mayor ng Subic noong July 2010 at naglilingkod siya hanggang sa kasalukuyan.
Fact. Si Mayor Jay Khonghun ang ikalawang mayor na Holy Week subject ng mga entertainment news dahil sa relasyon niya kay Aiko.
Pumangalawa si Khonghun kay Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan, ang boyfriend ng former beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo.
Married din ang civil status ni Tan pero estranged ito sa kanyang asawa. Hindi pa nagsasalita si Aiko kung tulad ni Tan, hiwalay rin sa legal wife ang boyfriend niya.
Gustuhin man ng mga public servant na maging pribado ang kanilang mga personal na buhay, mahirap mangyari ito kapag mga showbiz personality ang mga karelasyon nila.