Kontrobersiyal na Fil-Italian beauty queen, kinoronahang Miss Earth Philippines 2018

Isang Filipino-Italian ang nanalo ng Miss Earth Philippines 2018 crown sa coronation night na ginanap noong May 19 sa Mall of Asia Arena.

Siya ay ang 20-year-old na si Silvia Celeste Cortesi, ang representative ng Filipino community sa Italy.


Si Cortesi ang nagwagi sa Miss Philippines Earth-Italy 2018 beauty pageant na idinaos noong February 18, 2018 sa Teatro Vigano, Rome, Italy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kontrobersiyal ang tagumpay niya dahil sa paratang na favored candidate siya ng organizer at judges.

May mga nagprotesta nang ideklara si Cortesi bilang Miss Philippines Earth-Italy 2018 dahil sumablay ang sagot niya sa question-and-answer portion, pero nanalo pa rin dahil sa mga special award na napanalunan.

Sa March 14 interview ng PEP.ph sa eyewitness na si Meryle Cabautan Apelado,sinabi nitong marami ang pumalag sa panalo ni Cortesi dahil hindi raw ito deserving na i-represent sa Miss Earth Philippines 2018 ang Filipino community sa Italy.

"Wala siyang breeding sa video na ipinost niya. Nagtuturo siya sa video ng translation ng bitch at 'F' word sa isang non-Italian speaking guy,” ang isa sa mga reklamo laban kay Cortesi.

Read: First-ever Miss Philippines Earth Italy hounded by controversies; host announces wrong winner

Sa kabila ng mga akusasyon laban kay Cortesi ng mga Pilipino sa Rome, siya pa rin ang nagwagi ng Miss Earth Philippines 2018 title at nanalo sa Best in Swimsuit competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga runner-up ni Cortesi sina Zahra Bianca Saldua (Miss Earth Philippines Air), Berjayneth Chee (Miss Earth Philippines Water), Jean Nicole de Jesus (Miss Earth Philippines Fire), at Halimatu Yushawu (Miss Eco Tourism Philippines 2018).


 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close