Producer ng Ex Battalion concert, nagsalita tungkol sa pagkansela ng guest performance ni Shanti Dope

by Jojo Gabinete
Jun 27, 2018

Nilinaw ni Marlon Vergara na desisyon niya at ng production staff na alisin si Shanti Dope bilang special guest sa Kami Ang ExB, ang first anniversary concert ng Ex Battalion sa July 14 sa Ynares Sports Arena, Pasig City.


Si Marlon ang head ng Four Lights Productions, ang producer ng Kami Ang ExB.

Continue reading below ↓

Ayon sa kanya, walang katotohanan na ang kampo ni Shanti ang nagpasyang kanselahin ang guesting ng menor de edad na hip-hop artist.

Read: Shanti Dope's camp clarifies cancellation of guest performance at Ex Battalion concert

Pahayag ni Marlon sa Cabinet Files, "Maganda ang intensiyon ng pakiusap ko ng collaboration/mash-up with Ex Battalion kasi anniversary concert at para maganda yung ibigay na show sa audience.

"Ang hindi ko maintindihan, ang daming dahilan at pabagu-bago sila ng demands.

"Alam naman siguro ng lahat na kapag concert, may rehearsals ang guests sa concert, so dapat na-anticipate nila yun.

"Hanggang sa nagdesisyon na ako at ang whole production team na i-pull out na lang si Shanti Dope, in good faith, kesa maging kumplikado pa at humaba yung usapan.

"Ibigay man nila o hindi ang downpayment, walang kaso sa amin."

Nagsalita rin si Marlon tungkol sa pahayag ng manager ni Shanti Dope na isinasaalang-alang din nila ang edukasyon ng hip-hop artist.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Hindi naman ito usapan tungkol sa edukasyon, we can always adjust sa sked at gawin yung tamang proseso ng pagpapaalam para sa concert.

"Kasi we want to produce artists na makukuhanan ng inspirasyon ng kabataan.

"Wala kaming pinilit na kahit ano sa guests or artista kung ano gagawin nila.

"Nagbigay kami ng halimbawa sa representative niya at maganda yung salita sa kanya."

Si Marlon ang producer ng mga successful concert nina Maja Salvador, Kyla, Moira dela Torre, at ng love team nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Ipinagtapat ni Marlon na first time niyang nakaranas na pinababayaran ng representative ni Shanti Dope ang rehearsals nito para sa anniversary concert ng Ex Battalion.

"Dami ko na din nagawa na shows. First time ko makarinig na babayaran ko ang artista para mag-rehearse," ang rebelasyon ni Marlon.

Postscript: Base sa statement ni Marlon, ang demands ng representative ni Shanti Dope ang main issue, hindi ang pagiging menor de edad ng hip-hop artist.

Continue reading below ↓

Walang-wala sa intensiyon ng Cabinet Files na ikumpara si Shanti Dope sa ibang mga hip-hop artist.

Unsolicited advice at hindi comparison kay Shanti Dope ang aming pagbanggit sa pangalan nina Dello, Curse One, Ganzi, at Flict-G.

Read: Shanti Dope, tatanggalin na sa first anniversary concert ng Ex Battalion?

Sa tagal namin sa industriya, marami na kaming nakitang mga talented actor and singers na sumikat pero hindi nagtagal.

Importante sa negosyo na kanilang pinasok ang mahusay na pakikisama sa lahat ng uri ng mga taong nakakasalamuha nila sa napakaliit na mundo ng entertainment industry.

Naiintindihan namin ang nararamdaman at ang pag-alma ng representative ni Shanti.

Masakit para sa mga manager at sa mismong artist na alisin sa mga event o concert ang participation nila kesa sila ang kusang mag-back out dahil malaki ang tsansa na maging precedent ito kapag hindi napagbigyan ang kanilang mga demand.

Totoo ang pahayag ng representative ni Shanti na "There is enough space for each and every rapper in the music industry."

Continue reading below ↓

Pero sa aming matagal na karanasan sa industriya, napatunayan naming may katotohanan ang katagang “Many were called but few were chosen.”

Ang katuwiran ng representative na menor de edad si Shanti Dope ang nagbigay ng idea sa ilang mga tao para kuwestyunin ang "Mau," ang single niya na may explicit verses na malinaw at matindi ang pagyurak sa dangal ng mga kababaihan.

Ang mga menor de edad at talented artist na tulad ni Shanti Dope ay dapat na pinoprotektahan at ginagabayan, hindi pinagre-record ng kanta na hindi akma sa murang isipan niya na naririnig at puwedeng gayahin ng mga batang umiidolo sa kanya.

Para sa mga hindi pamilyar sa "Mau," ito ang kabuuan ng rap song ng 16-year-old hip-hop artist:

Halika dito, dinudulot ng ngiti mo
Napakadaming imbotidong na gutom sa iyong malaking burito
Siko mo na mala balat nila Kim Domingo
Pinaglihi kaba sa bimpo mismo?
Kadalasang na regalo hiling ko sa tuwing matutulog ay iyong napaka duming platito ahh
Maureen bigyan naman ng pansin
Ang alaga kong si Yaoming diligan ang iyong madamong hardin
Mga titigan nating malambing ay
Sa ibang lebel na natin dalhin
Langit gawin nating canteen
At kapit lang sa akin

Continue reading below ↓

[Chorus]
Sekretong malupit pwede pabulong?
Mapapamura ka ng fuckshit malutong!
Makinis, maputi sya pero bakit ganun?
Bakit sobrang grabeng maitim ang utong?

Parang binilad ng tanghali sa bubong?
O pinag lihi sa kulay ng gulong?
Makinis, maputi sya pero bakit ganun? (NooOhh)
Bakit sobrang grabeng maitim ang utong? (tong³)

Noong August 2009, pinakinggan at sinunod ng Alpha Music, Inc. ang panawagan ni Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez na i-pull out sa mga music store at i-ban ang pagpapatugtog sa radio stations ang "Banana," ang controversial song ng rapper na si Blank Tape, na hindi na menor de edad ng panahong yun.

Ito ang August 13 report ng Catholic News Agency tungkol sa isyu na mainit na pinag-usapan noong 2009:

"Bishop Deogracias Iñiguez, the head of the Diocese of Caloocan, is urging music composers and radio stations not to promote a culture of casual sex to the youth through sexually explicit lyrics.

Continue reading below ↓

"The bishop made his comments over the Church-run radio channel Radyo Veritas on Thursday and criticized the song 'Banana' by the group 'Illegal Substance.'

"The group bases their songs off of sophomoric humor and crass lyrics.

"The song has a meaning that is sexual,' said Bishop Iñiguez.

"Songs like that, he said, including another hit 'Nagmamahal Ako ng Bakla (I’m Loving Gay Men),' have a double meaning.

"'They should be banned because of its sexually explicit lyrics,' said Bishop Iñiguez, who heads the Committee on Public Affairs of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines."

At dahil inumpisahan ng kampo ni Shanti Dope ang isyu na menor de edad ito, hindi maiwasang ungkatin kung bukod sa priority nila ang pag-aaral ng young hip-hop artist, may mga nagtatanong tungkol sa pagsunod sa batas na ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa child labor.

Continue reading below ↓

Ito ang bahagi ng batas na ibinabahagi namin sa lahat para alam ng mga concert producer ang kanilang mga responsibilidad kapag kukunin nila ang serbisyo ng mga artista at singer na menor de edad para makaiwas sila sa anumang pananagutan kung sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahan na problema:

"The employer first secures a work permit for the child from DOLE.

"Children aged 15 to below 18 years of age are permitted to work in any economic activity not considered child labor, but not more than eight hours a day and in no case beyond forty (40) hours a week.

"They shall not be allowed to work between 10:00 pm and 6:00 a.m. of the following day, and employer should provide the child with access to at least elementary and secondary education."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results