Bb. Pilipinas-Intercontinental 2018 Karen Gallman, isinasantabi muna ang wedding plans with Australian fiance

Engaged na si Bb. Pilipinas-Intercontinental 2018 Karen Gallman sa kanyang Australian boyfriend na si Ian Garton, pero hindi ito nangangahulugan na magpapakasal na sila kapag natapos ang reign niya.

IMAGE Jojo Gabinete

"Kahit hindi ako manalo sa 47th Miss Intercontinental, matagal pa yung kasal," saad ni Karen.

Eksklusibong nakapanayam si Karen ng Cabinet Files sa grand launch ng 47th Miss Intercontinental sa Taft Room ng Conrad Manila Hotel sa Pasay City, ngayong araw, October 4.

Patuloy ni Karen, "Kahit manalo o matalo, it's not gonna be next year. Matagal pa.

“Hindi pa nga ako nag-prepare o we never sat down and organized it.

“Wala pa, matagal pa talaga."

Sa kanyang Instagram post noong June 15 inanunsiyo ni Karen na “I said yes” sa marriage proposal ng boyfriend of "almost five years" niyang si Ian.

Ikinagulat ba ito ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. na organizer ng Binibining Pilipinas?

Sagot ni Karen, “Hindi naman. They congratulated me. They were happy for me.”

Sa ngayon ay nakapokus daw ang atensiyon niya sa nalalapit na 47th Miss Intercontinental coronation night, na gaganapin sa Pilipinas sa January 2019.

"The pressure is there because lagi tayong runner up sa Miss Intercontinental.

“First runner-up, second runner-up, as in wala pang nananalo sa Pilipinas.

"A lot of people are expecting that, hopefully, Philippines will win.”

Susubukan daw ni Karen na masungkit niya ang korona sa pagkakataong ito.

“I will do my best, I will really do my best.

“I don't wanna expect anything. Gusto ko lang mag-enjoy but I am training talaga.”

View this post on Instagram

Second day of spring...and my most favoured month! �??��??��??� #birthmonth

A post shared by Karen Gallman (@karen_gallman) on

READ CABINET FILES: Miss Intercontinental 2018, kumpirmadong gaganapin sa Pilipinas

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN