Baste Duterte, kinain ang salitang hindi siya papasok sa pulitika

Kinontra ng presidential son na si Baste Duterte ang sarili nang maghain ito ng certificate of candidacy kahapon, October 17.

Kakandidato siyang vice mayor ng Davao City sa halalan sa May 2019 at running mate niya ang kanyang kapatid na si Sara Duterte.

View this post on Instagram

Supporting HNP @indaysaraduterte

A post shared by Baste (@sebastianduterte) on

Sa exclusive interview ng PEP.ph kay Baste noong April 11, 2018, nagsalita siya nang tapos na pinahahalagahan niya ang privacy kaya walang-wala sa kanyang plano na pumasok sa pulitika.

Pahayag niya noon, "I have no political plans.

"Hindi naman that I don’t consider because I need to plan things out, pero yung inclination ko, hindi talaga doon papunta.

"As much sa possible, gusto ko talaga iwasan, kasi wala, e, magulo.

"'Tapos yung family ko, ganyan na sila. Nandiyan na sila, so I got used to it na.

"Hindi mo na alam kung sino ang mga kinakausap mo.

"Mga tao na nakakasalubong mo, kasi may bias na lahat, di ba?

"It comes along with the status I have now. I need to be conscious."

Read: Baste Duterte says no to entering politics: "Gusto ko talaga iwasan, kasi wala, e, magulo."

Nang mag-file si Baste ng COC para sa vice mayoral bid kahapon, iba na ang statement niya sa interbyu sa kanya ng GMA News.

Saad niya, "It was a long process. I thought about it months ago pa.

"Siyempre nagtanong din ako sa tatay ko, sabi niya, okey naman daw.

"Pero yung desisyon talaga, mine alone."

Nang tanungin tungkol sa kanyang magagawa sa Davao City kung mahahalal na bise alkalde, nagpakatotoo si Baste sa kanyang sagot na hindi nito alam dahil wala siyang karanasan.

Pero ang honesty at serbisyo sa mga tao raw ang maibibigay niya.

Moral of the story: Hangga’t maaari, iwasan ang magsalita nang tapos para hindi malagay sa alanganin ang kredibilidad at higit sa lahat, ang integridad.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN