Memorable para sa mag-asawang Patricia Javier at Dr. Rob Walcher ang personal encounter nila sa members ng Guns N' Roses, na nag-concert sa Philippine Arena sa Bulacan kagabi, November 11.

Pero hindi raw sila nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng photo-op dahil mahigpit na ipinagbawal ng organizer at ng management ng legendary American rock band.
Si Dr. Rob ang napiling official chiropractor ng Guns N' Roses at ng entourage nito.
Pinagbawalan man siyang magpakuha ng litrato kasama ang Guns N' Roses, masaya si Dr. Rob dahil nakilala nito nang personal ang mga miyembro ng sikat na banda na iniidolo niya mula pa pagkabata.
“No pics, sayang, di ba?" ang sabi ni Dr. Rob, na bagamat isang Amerikano ay marunong nang magsalita ng wikang Filipino.
Kuwento pa ni Dr. Rob sa panayam ng Cabinet Files, “With the band, not much interaction kasi [an] assistant was there to make sure no photos.
"With the crew and manager, [there was] much interaction."
Ikinatuwa raw ni Dr. Rob na gustung-gusto ng crew at manager ng Guns N' Roses ang naging partisipasyon niya bilang chiropractor ng grupo.
"They said their chiro experience here was their best.
"They have chiro all the time but they were blown away with my adjustment.
"They said, [this was the] best they’ve had. They loved it.
Nabanggit din ni Dr. Rob na tinanong siya ng grupo kung bakit pinili niyang manirahan sa Pilipinas.
Mayroon kasing sariling chiropractic wellness clinic si Dr. Rob dito sa bansa mula pa noong 2016.
Sabi naman daw niya, nag-enjoy siya nang husto sa pagiging "trailblazer" sa chiropractic treatment dito.
READ CABINET FILES: Mister ni Patricia Javier, napiling chiropractor ng Guns 'N Roses band