Ervic Vijandre, mas pinili ang Cain at Abel kaysa pagtakbo sa 2019 elections

by Jojo Gabinete
Nov 16, 2018

Wait, there’s more sa isyu ng pag-alma ni Philippine National Police (PNP) Oscar Albayalde sa pagsasalarawan sa mga pulis sa mga eksena ng FPJ's Ang Probinsyano.

Magsisimula sa Lunes, November 19, ang Cain at Abel, ang primetime series na itatapat ng GMA-7 sa Ang Probinsyano.

Kung may mga tiwaling pulis na karakter sa Ang Probinsyano, may bad cop din sa Cain at Abel, na ginagampanan ni Ervic Vijandre.

 IMAGE Noel Orsal
Continue reading below ↓

Ang challenging role niya sa primetime action-drama ng GMA-7 ang dahilan kaya hindi itinuloy ni Ervic ang plano nitong kumandidatong konsehal ng San Juan City.

Isa raw ito sa mga pinakamahirap na desisyong ginawa niya sa kanyang buhay.

"It's never an easy decision kasi malaking bagay for me ang makapaglingkod sa bayan.

"Pero naisip ko, it’s an opportunity na dapat 100 percent ready ka, though I’m still gonna help naman. 

"Nasa likod pa rin ako ng pagtulong sa San Juan City, kasama si Francis Zamora na tatakbong mayor.

"Sa ngayon, sobrang thankful ako sa GMA Artist Center, kay Miss Gigi Santiago-Lara, sa support niya sa akin.

"Hindi niya ako pinabayaan,” pahayag ni Ervic.

View this post on Instagram

Cain At Abel soon on GMA #cainatabel #cainatabelmedialaunch

A post shared by Ervic Vijandre (@ervic_vijandre) on

Sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang mga bida sa Cain at Abel.

Unang nakasama ni Ervic si Dingdong sa Genesis, ang 2013 primetime series ng GMA-7.

Nakatrabaho na rin ni Ervic si Dennis sa Kapuso primetime series na The One That Got Away, na umere mula Enero hanggang Mayo nitong taon.

Continue reading below ↓

Excited si Ervic dahil mas malaki ang gagampanan niyang papel sa proyektong ito nina Dingdong at Dennis.

Saad niya, "Puwede kong sabihin na ito ang big break for me, to have a role with the biggest actors in the network.

"Some people asked me if I feel pressured dahil big names ang kasama ko.

"It’s more of excitement... kasi I’ve done scenes with Dennis and Dingdong already.

"I'm impressed kasi ang galing nila pareho, so it’s a challenge for myself na gusto kong mapantayan yung galing nila.

"Kaya excited ako sa mga susunod pa namin na mga eksena, dahil pinaghahandaan ko talaga."

READ PEPALERTS: Ervic Vijandre, umatras sa balak na tumakbong konsehal sa San Juan

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results