Jay Sonza, suspended ang Facebook sa gitna ng pambabatikos niya sa Ateneo bullying incident

May paliwanag ang broadcast journalist na si Jay Sonza tungkol sa 30-day suspension na ipinataw ng Facebook sa kanyang personal account.

Nagsimula ang suspension ng Facebook account ni Sonza, noong December 21, dahil sa diumano’y mga post niya sa wikang Pilipino tungkol sa viral video, sangkot ang Ateneo de Manila Junior High School student na nambugbog at nanakot ng ka-schoolmate.

IMAGE Screen cap from GMA News TV

"Sorry friends, I can’t interact with you on FB for the next 30 days because my account is suspended for post made in Pilipino.

"They say it’s against their standard.

"Kapag Tinagalog pala ang isang grammatically wrong post ng mga [family name of student accused of bullying] ay contrary to Facebook community standard. WTF is that?"

Maraming naniniwala na ang suspension kay Sonza ay may kinalaman sa Facebook post niya, noong December 21, tungkol sa alleged home address ng estudyanteng makailang-beses na gumamit ng dahas upang takutin at gipitin ang ilang schoolmates nito.

Ngunit napag-alamang mali ang home address na nailathala sa Facebook account ni Sonza, at may ibang pamilyang walang kinalaman sa isyu ang naperwisyo dahil dito.

Hindi maganda ang naging epekto ng pagsali ni Sonza sa iba pang netizens na nagpost ng naturang home address, dahil nagulo ang buhay ng mga tunay na residente—ang pamilya ng isang Christian pastor na si Bishop Rully Taculod.

Inireklamo ng pamilya Taculod na nakakatanggap pa rin sila ng mga pagbabanta at mga food delivery na hindi nila in-order, dahil sa pranks ng ibang taong nag-aakalang ito ang address ng high-school bully na nais nilang paghigantihan.

Nasuspinde ang Facebook account ni Sonza noong December 21, pero noong December 24 lang nang nabura ang post niya tungkol sa kaso ng mistaken address, kaya palaisipan kung siya o ang Facebook administration ang nag-alis ng post niyang ito.

Dumulog na ang Taculod family sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group para matukoy ang mga tao na nagkalat sa social media ng home address nila at ang mga taong nagpapadala ng mga pagbabanta sa kanila.

Identity theft at unjust vexation ang mga reklamong posibleng kakaharapin ng mga taong mapapatunayang nagdulot ng perwisyo sa pamilya Taculod.

READ CABINET FILES: Jay Sonza, isa sa nagpost ng fake address ng Ateneo student sa bullying video

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN