Karen Gallman, handa nang mauwi ang korona sa 47th Miss Intercontinental?

by Jojo Gabinete
Jan 3, 2019
PHOTO/S: Raymond Saldana via @karen_gallman Instagram

Ngayong araw, January 3, ang send-off presscon ng Bb.Pilipinas Charities Inc. (BPCI) para kay Miss Intercontinental Philippines Karen Gallman. 

Ang Pilipinas ang host country ng 47th Miss Intercontinental, na magaganap ang coronation night, sa January 26, sa Mall of Asia Arena, Pasay City. 

 IMAGE Raymond Saldana via @ karen_gallman Instagram / @karen_gallman Instagram (swimsuit photo)
Continue reading below ↓

Sa January 8 nakatakdang dumating ang lahat ng mga kandidata, at sa January 10 ang press presentation ng beauty pageant na nag-originate sa Aruba.

Si Miss Universe 2000 Lara Dutta ng India ang pinaka-popular na winner ng Miss Intercontinental noong 1997.

May pressure na manalo o magkaroon ng puwesto sa Miss Intercontinental si Karen, dahil bukod sa host country ang Pilipinas ay kapapanalo lang ni Catriona Gray bilang Miss Universe.

Gaya ni Catriona, Filipino-Australian din si Karen. Marunong din si Karen kumanta dahil miyembro siya ng disbanded all-female singing group na binuo ng talent manager na si Lito de Guzman.

Nang sinubukan ni Karen na pumasok sa showbiz, lumabas siya sa isang forgettable indie movie, ang Bad Romance, na ipinalabas sa mga sinehan noong April 2013.

Ginawa ni Gallman ang Bad Romance, isang taon matapos siyang maging finalist sa Bb. Pilipinas noong 2012.

View this post on Instagram

I didn’t ask to be Queen but hey...if the crown fits! �??�

A post shared by KAREN GALLMAN (@karen_gallman) on

Samantala, umaasa ang invited media members na dadalo sa send-off presscon ni Karen si Stella Marquez Araneta, ang founder ng BPCI at national director ng Bb.Pilipinas Universe.

Continue reading below ↓

Ito ay para sana mabigyang-linaw ang isyu na hindi na siya diumano ang may hawak ng franchise ng Miss Universe Philippines.

Kaugnay ito ng bali-balitang binili ng LCS Group—ang kumpanyang pag-aari ng negosyanteng si Luis "Chavit" Singson—ang franchise ng Miss Universe Philippines. 

Nang huling makapanayam si Chavit noong December 19, tumanggi itong magbigay ng pahayag sa isyu dahil nahihiya raw siya kay Mrs. Araneta.

Sa hiwalay na panayam sa anak ni Chavit na si Richelle Singson-Michael, sinabi nitong wala pang nangyayaring pag-uusap hinggil sa balitang pagbili ng LCS Group sa franchise ng Miss Universe Philippines.

READ: Chavit Singson, todo-iwas sa isyung kinukuha niya ang franchise ng Miss Universe Philippines

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Raymond Saldana via @karen_gallman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results