Ang outburst ni Tony Labrusca laban sa immigration officer at ang “fake news” tweet ng nanay niyang si Angel Jones ang mga dahilan kaya nagkaroon ng mga panawagan na imbestigahan ang mga artistang may foreign citizenship pero nagtatrabaho sa Pilipinas at posibleng hindi sumusunod sa mga batas na ipinatutupad ng Bureau of Immigration.

Hindi nakatulong ang pagtatanggol ni Alex Diaz kay Tony sa insidenteng kinasangkutan nito dahil naungkat din ang citizenship niya bilang Scottish ang kanyang ama at nag-aartista rin siya sa Pilipinas.
Bukod sa binigyan ng malisya ang friendship nina Tony at Alex, pinaglalaruan ang dalawa ng kanilang haters at bashers dahil kapangalan nila ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Hindi naman nakaligtas si Angel sa kontrobersya na inumpisahan ni Tony dahil nabuhay ang isyu ng pang-aaway niya sa former PBB gay housemate na si Fifth Solomon Pagotan na nangyari noong July 2018.
Read: Ex-PBB housemate Fifth Solomon rants against "disrespectful" mom of male celeb
Magkaibigan noon sina Tony at Fifth na hindi umano ikinatuwa ni Angel dahil sa paniniwala nitong bad influence ang ex-PBB housemate sa anak niya.
Dokumentado ang mga ginawa ni Angel kay Fifth dahil nag-rant ito sa Twitter noong July 6, 2018 tungkol sa pang-aaway sa kanya ng ina ng isang celebrity.
Hindi nagbanggit ng pangalan si Fifth pero dahil sa inasal ni Tony sa harap ng immigration official sa NAIA noong January 3, 2019, nahalukay ang July 2018 incident at lumitaw ang katotohanan na ang nanay ng aktor ang tinutukoy niya.

Ayon sa mga impormasyong nakalap ng Cabinet Files, kinumpronta ni Angel si Fifth sa isang bar sa Poblacion, Makati City.
Reportedly, nagsalita si Angel na hindi nito gusto at hindi niya pinagkakatiwalaan si Fifth.
Sinabi ng Cabinet Files source na hanggang sa parking lot, sinundan ni Angel si Fifth at pinagsalitaan ito ng masasakit.
Inilabas ni Fifth ang sama ng loob sa pamamagitan ng sunud-sunod na tweet tungkol sa panghihiya na naranasan pero ipinagmalaki niya ang sarili dahil lumaban siya.
.jpg)
“I don’t care if ur mom, a granda,a fish, a wood, if u disrespect me I’ll call you out face to face,” ang unang tweet ni Fifth noong July 6, 2018.
“Came from an inuman party. Had an argument awhile ago.Was proud of myself because I stood out for myself. I’m never a follower, never a weak ass fake ass bitch. Sa nanay ng celeb ( guy) na ito, nagkamali ka ng binastos mo. Bye.
“Kahit English speaking ka pa naku, makikipagsagutan ako sayo. Mapagtanggol ko lang sarili ko.buti nakainom ako.nakasabay ako sa English mo kahit may konting grammatical error. Kaya kayo kapag nasa tama kayo!!!LAVAAAAN!Life’s too short to say nothing!
“If someone you do not know totally, comes to u and tells u’don’t come with us.I do not trust you, what will you say/do?
“Are u just gonna be cute about it? Are u just gonna be a jigglypuff? Hello no! not me gurl I’m a charizard hoe. I choose you!” ang succeeding rants ni Fifth na hindi fake news dahil nangyari sa tunay na buhay at kinasasangkutan ng ina ni Tony.
Ang pagkakaungkat sa confrontation scene nina Angel at Fifth anim na buwan na ang nakararaan, ang patunay na matagal na panahon man ang magdaan, babalik at babalik ang mga alaala ng kahapon.
Really, the past will haunt us, no matter what.