Pops Fernandez at Martin Nievera, pinagpilian ng CBS para maging PH expert sa The World's Best

IMAGE @thewalloftheworldsbest Instagram


Mag-iisang taon na mula nang ilabas ng CBS ang official announcement tungkol sa The World’s Best, ang bagong global talent competition ng U.S. television network na magsisimulang mapanood sa February 3, 2019.

Kasama si Pops Fernandez sa 50 experts na tinawag na Wall of the World mula sa 38 bansa na mapalad na nakapasa sa screening.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @walloftheworldsbest Instagram

Isang L.A.based talent scout ang nagrekomenda kay Pops na sumali sa screening ng Wall of the World.

Hiningi ng Cabinet Files ang permiso ng The Philippine Star entertainment editor na si Ricky Lo para magamit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang scoop story niya noong October 19, 2018 ukol dito. 

Hindi lamang si Pops ang Filipino talent na inirekomenda ng talent scout dahil nabanggit din ang mga pangalan nina OPM icons na sina Martin Nievera, Lea Salonga, at Billy Crawford.

Nagustuhan ng The World’s Best producers si Martin, pero may conflict sa hectic schedule nito kaya hindi siya puwede sa scheduled VTR noong October at November 2018.

Si Pops ang pinakahuli sa mga ininterbyu at siya ang masuwerteng napili.

Nakasaad din sa column ni Ricky na ang 50 experts ng Wall of The World ay makatatanggap ng talent fee na naaayon sa rate na itinakda ng SAG-AFTRA o Screen Actors Guild-American Federation of Television and Radio Artists. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

All-expenses paid din ang kanilang flight at hotel accommodations. 

Ang The World's Best ay brainchild nina Mike Darnell at Mark Burnett, na creators ng ilang sikat na reality show sa U.S. 

Si Mike ang itinuturing na "King of Reality TV" dahil ang American Idol, The X Factor, at Master Chef ang ilan sa mga successful project niya.

Samantalang si Mark ang executive producer ng The Voice, Survivor, at The Contender.

Samantala, ibinahagi ni Pops ang ilang pasilip sa taping ng The World's Best, na magsisimulang umere sa CBS sa February 3. 

Kasama rito ni Pops ang ilan sa kanyang co-experts sa show:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @popsfernandezofficial Instagram

Ipinagmalaki rin ni Pops na kabilang sa contenders ng American reality show ang TNT Boys na sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion.

CABINET FILES: Pops Fernandez, kasama sa international talent show na ihu-host ni James Corden


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN