Meet Pepe and Pilar, ang twins nina Korina Sanchez at Mar Roxas

Mali ang mga hula na Jack & Jill at Hansel and Gretel ang pangalan ng mga bagong silang na anak nina Korina Sanchez at former Senator Mar Roxas dahil umiral ang pagiging makabayan ng mag-asawa.

Pepe at Pilar ang mga napiling pangalan nina Korina at Mar para sa kanilang fraternal twins na sentro ngayon ng buhay nila.

IMAGE Korina Sanchez Instagram

Sinabi ni Korina ang pangalan ng mga munting anghel nila ni Mar sa exclusive report ng TV Patrol, ngayong gabi, February 22.

Unang isinilang si Pepe kesa kay Pilar, na mahilig ngumiti.

Mukhang prinsipe, mahilig matulog, medyo matigas ang ulo, pero sobrang sweet ang description kay Pepe na, diumano, mestizo version ni Mar.

Mga himala mula sa langit ang sabi nina Korina at Mar tungkol sa pagdating ng kanilang mga anak sa buhay nila.

"Narito na nga ang tunay na nagbabagang balita," pahayag ni Korina sa TV Patrol mula sa Pittsburgh, Pennsylvania, kung saan naroon sila ni Mar at kanilang kambal.

Sabi pa ng veteran broadcaster. "Ako po ay nanay na, believe it or not.

"So, alas-tres ng umaga, pinatutunayan ko lang po na ako ay nag-aalaga ng aking mga mumunting anghel.

"Ipapakilala ko sa inyo si Pepe... natutulog na sila kasi alas-tres na ng umaga ngayon.

"Siya ang aking si Pepe, ang munting prinsipe.

"At ito naman ang aking beauty queen, si Pilar!

"O, di ba, ang tangos-tangos ng ilong?"

Hindi naman nakaligtaang ipaalaala ni Korina sa televiewers na panoorin ang February 24 episode ng Rated K dahil sasabihin nila ang kumpletong detalye tungkol sa pagsisilang kina Pepe at Pilar.

Trivia: Nang sabihin namin sa isang aktor na malapit kay Mar ang pangalan ng mga sanggol, napaisip siya at nagsalita ng: “Di ba, title ng pelikula yun?”

Tumpak ang sinabi ng aktor dahil Pepe En Pilar ang pamagat ng 1983 movie ng Regal Films na pinagbidahan nina Maricel Soriano at Gabby Concepcion.

At any rate, malaking tulong sa senatorial bid ni Mar ang paglalantad nila ni Korina sa kanilang mga anak sa publiko dahil talk of the town ngayon ang biyayang natanggap ng mag-asawa mula sa Itaas.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN