Angelica Panganiban, binatikos ng Duterte supporters dahil sa "Ano ng plano? Tulog na lang?" tweet

by Jojo Gabinete
Nov 1, 2020
Para kanino nga ba ang tweet na ito ng aktres na si Angelica Panganiban?: "Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at Pilipino."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Habang binabayo ni Super Typhoon Rolly ang Bicol Region at Southern Luzon, nag-trending (Philippine trends) sa Twitter ang hashtag na #NasaanAngPangulo.


Ito ay dahil wala si President Rodrigo Duterte sa televised Sunday press briefing tungkol sa sagot at aksyon ng pamahalaan para matulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong 2020.

Continue reading below ↓

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umuwi si Pangulong Duterte sa Davao at nakatakdang bumalik sa Maynila sa Martes, November 3.

Pero ang Pangulo raw ang nag-utos na magkaroon ng press briefing ang mga kalihim ng government agencies na tutulong sa ating mga kababayang naapektuhan ni Typhoon Rolly.

Walang binanggit na pangalan ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang tweet nitong Linggo ng tanghali, November 1.

Pero marami ang naniniwalang para sa Pangulo ang cryptic post niyang ito:

"Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino..."

Continue reading below ↓

Tulad ng inaasahan, binatikos si Angelica ng mga Duterte supporters.

Tinawag siya ng mga itong "pa-woke, artista lang" at iba pang mga below-the-belt na salita dahil sa kanyang cryptic post.

Pero ipinagtanggol din si Angelica ng mga netizen na nagsabing hindi nagbanggit ng pangalan ang aktres kaya hindi dapat pairalin ang mga haka-haka at maling akala.

Sa tingin naman ng iba, banggitin man ang pangalan ni Pangulong Duterte, tama lang ito dahil siya ang talagang inaasahang mamuno sa mga panahong hirap na hirap ang mga kababayan natin.

At press time, may 2.8k retweets, 340 quote tweets, at 18k likes ang patutsada ni Angelica para sa taong pinatatamaan niya.

Hindi na bago ang #NasaanAngPangulo hashtag.

Una itong ginamit ito at nag-trending worldwide nang hindi dumalo si dating Pangulong Noynoy Aquino sa heroes' welcome para sa mga pulis na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano Massacre, sa Villamor Airbase, Pasay City, noong January 29, 2015.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para kanino nga ba ang tweet na ito ng aktres na si Angelica Panganiban?: "Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at Pilipino."
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results