Pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards, remake ng hit Korean movie nina Jung Woo Sung at Son Ye Jin

by Jojo Gabinete
Dec 14, 2020
Alden Richards (left) and Bea Alonzo (right) will reprise the characters played by Jung Woo Sung and Son Ye Jin (center) in the Filipino adaptation of hit 2004 Korean film A Moment To Remember.
PHOTO/S: Instagram

Sa title pa lang ng unang movie team-up nina Bea Alonzo at Alden Richards, alam kaagad ng mga Pinoy na fanatics ng Korean movies na remake ito ng isang Korean hit film.

Ito ay ang A Moment to Remember na ipinalabas sa mga sinehan sa South Korea noong November 2004.

Tungkol sa wagas na pagmamahalan ng isang babaeng nagkaroon ng early-onset Alzheimer’s disease at ng kanyang karelasyon ang kuwento ng A Moment to Remember, na base sa 2001 Japanese television drama na Pure Soul.

Gagampanan ni Alden ang karakter na unang binigyang-buhay ng Korean actor na si Jung Woo Sung.

Samantalang si Bea ang Filipino counterpart ni Son Ye Jin, na popular na popular sa mga Pilipino dahil siya ang leading lady ni Hyun Bin sa hit Korean drama series na Crash Landing On You.

Nanalo si Son Ye Jin ng best actress in a foreign film award sa 15th China Golden Rooster Award and Hundred Flowers Film Festival noong 2006 dahil sa pagganap niya sa A Moment to Remember.

Continue reading below ↓


Jung Woo Sung and Son Ye Jin in A Moment To Remember (2004)

Joint venture ng GMA Pictures at Viva Films ang A Moment to Remember. Inaasahang uumpisahan sa susunod na buwan, January 2021, ang shooting ng Bea-Alden starrer.

Marami ang mga Pinoy na pinaiyak ng Korean version ng A Moment to Remember, na isa umano sa mga pinakamagandang love story movie na kanilang napanood. Kaya inaabangan nila ang Filipino adaptation na pagbibidahan nina Bea at Alden.

Continue reading below ↓

Noong December 2019, bumisita sa Pilipinas ang Miracle in Cell No.7 Korean producer na si Kim Min Ki at ang movie director na si Lee Hwan Kyung dahil dumalo sila sa red-carpet premiere ng Philippine remake ng kanilang blockbuster movie.

Sinabi ni Lee Hwan-kyung na bumilib siya sa Pinoy adaptation ng Miracle in Cell No.7 dahil sa mga eksenang wala sa original version, tulad ng heartwarming ending na hindi niya naisip gawin.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards (left) and Bea Alonzo (right) will reprise the characters played by Jung Woo Sung and Son Ye Jin (center) in the Filipino adaptation of hit 2004 Korean film A Moment To Remember.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results