Ang GMA Gala Night na idaraos sa darating na Sabado, July 22, ang unang public appearance nina Bea Alonzo at Dominic Roque bilang engaged couple.
Read: GMA-7’s power couples and prized stars, It’s Showtime main hosts attending GMA Gala 2023
Dadalo ang dalawa sa GMA Gala apat na araw matapos ang engagement proposal ni Dominic kay Bea na nangyari sa Las Casas Filipinas de Acuzar, sa Quezon City, noong Martes, July 18, 2023.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque engaged!
Si Dominic ang nagplano ng lahat para sa kanyang sorpresa kay Bea, na gulat na gulat dahil talagang hindi nito inaasahan ang magaganap na proposal.
Malakas ang pakiramdam ni Bea dahil nalalaman niya ang lahat ng mga plano kaya mahirap siyang sorpresahin, pero nagawa ni Dominic na ilihim mabuti ang balak nito.
Diumano, may kutob si Bea na aalukin na siya ni Dominic ng kasal pero maaaring mangyari ito sa isa sa mga biyahe nila sa ibang bansa ng kanyang boyfriend, tulad ng pahayag niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong July 13, 2023.
Read: Bea Alonzo addresses rumored engagement to Dominic Roque
“'Baka dun ka pa mag-propose? Kailangan ha maganda ako dapat,'
"Kasi may mga trips kami na inayos na for the year, like we’re going to Japan, we’re going to Madrid. He’s coming with me to Madrid.
"So, parang dyinu-joke ko siya parati na, 'Baka dun ka pa mag-propose? Dapat maganda ako sa proposal mo.'
"But of course, these are just jokes, but we always talk about the future, like building a family together," kuwento ni Bea tungkol sa mga biro niya sa napag-uusapang marriage proposal ni Dominic sa kanya.
Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers
July 18, 2023 nang maganap ang proposal ni Dominic kay Bea, pero walang importanteng dahilan kaya ang nasabing petsa ang pinili niya.
Nagkataong ang July 18 ang isa sa mga araw na hindi masyadong abala si Bea dahil may pictorial lamang ito para sa mga gown na hindi niya maisusuot sa GMA Gala, kaya gumawa siya ng content para sa kanyang YouTube channel.
Ito ang nakita ni Dominic na tamang pagkakataon para gawin ang marriage proposal.
Ngayong araw, July 20, ang 33rd birthday ni Dominic.
Magkasama sila ni Bea sa importanteng araw ng kanyang buhay kaya hindi pa nila mapagbibigyan ang mga humihiling ng interbyu tungkol sa kanilang engagement.
Pero inaasahang magsasalita ang aktres sa panayam sa kanya ng 24 Oras na magaganap bukas, July 21, 2023.