Hairstylist na si Mark Anthony Rosales, idinidiin sa Christine Dacera case

by Jojo Gabinete
4 days ago
Christine Dacera death
Ayon sa pahayag ng dalawang respondents sa Christine Dacera case, may kinalaman ang hairstylist na si Mark Anthony Rosales sa pagdadala ng "powder drugs" sa party. Nananatiling tahimik si Rosales sa pagdadawit sa kanyang pangalan sa kontrobersiyal na pagkamatay ni Dacera.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram

Ikinagulat ng mga kakilala ni Mark Anthony Rosales ang pagkakasangkot ng binata sa kontrobersiyal na pagkamatay ng 23-year-old flight stewardess na si Christine Dacera noong January 1, 2021.

Disente, tahimik, at marespeto sa kapwa ang pagkakakilala kay Rosales ng mga taong nakausap ng Cabinet Files.

May koneksiyon si Rosales sa entertainment industry dahil sought-after hairstylist siya.

Bilang eksperto sa pag-aayos ng buhok, si Rosales ang kinukuhang hairstylist sa photo shoot ng mga artistang gaya ng Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Andrea Torres.

May-ari rin siya ng isang beauty salon sa San Juan City.

Nadidiin nang husto si Rosales sa kaso ng pagpanaw ni Dacera dahil ang pangalan niya ang madalas na binabanggit nina Rommel Galido at JP dela Serna sa mga interbyu sa dalawang respondents.

Ayon kay Galido, sinabi sa kanya ni Dacera ang suspetsa nitong may inilagay umano si Rosales sa alak na iniinom niya.

“Noong gabing ‘yon, tumabi siya [Dacera] sa akin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something na parang naiiba yung pakiramdam ko. I think merong naglagay, parang I think, ha,’ may naglagay sa drink niya, sabi niya sa akin.

Continue reading below ↓

"Then, sabi ko 'Who?' Then, sabi niya sa akin, ‘I think Mark.’

"Ang sabi ko lang sa kanya, G-A-G-A. Kung ano-ano ang pinag-iisip mo," pahayag ni Galido sa panayam sa kanya ng mga miyembro ng media noong January 7, 2021.

Lalong nadiin si Rosales sa isyu ng droga sa Dacera case dahil sa sinumpaang salaysay ni Dela Serna sa Philippine National Police.

“Bandang 1:00 A.M. ng January 1, 2021 ay may ipinakita si MARK ANTHONY ROSALES habang kami ay nag-iinuman na may dinukot siya sa kanyang medyas at ipinakita sa amin ang isang powder drugs na nakabalot sa plastic at inaya po niya akong gumamit nito ngunit hindi ako pumayag.

"At pagkaraan ay nakita kong lango na sina LOUIE [De Lima, person of interest din] at MARK dahil sa ginamit nila na powder drugs na dala ni MARK," bahagi ng sinumpaang salaysay ni Dela Serna na naglagay kay Rosales sa nakababahalang sitwasyon.

Continue reading below ↓

Ang pagbanggit nina Galido at Dela Serna sa pangalan ni Rosales ang dahilan kaya hanggang ngayon, “popular now” sa search posts ang pangalan ng person of interest na hindi pa lumilitaw para ibigay ang kanyang panig.

Mabibigo ang netizens na hanapin at makiusyoso sa mga social media post ni Rosales dahil naka-private mode ang kanyang Instagram account na may 31.7K followers.

Noong January 4, 2021 ang huling IG post ni Rosales, at ito ang araw na nagsisimula pa lamang umingay ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ni Dacera sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Hindi pa nababanggit ang kanyang pangalan noong araw na iyon.

Base sa IG post ni Rosales, si Andrea Torres ang kanyang huling celebrity client.

Continue reading below ↓

Pinasalamatan din siya ng sexy actress sa IG post nito noong December 27, 2020.

Bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa panig ni Mark Anthony Rosales kaugnay ng mga pahayag na ito nina Rommel Galido at JP Dela Serna.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa pahayag ng dalawang respondents sa Christine Dacera case, may kinalaman ang hairstylist na si Mark Anthony Rosales sa pagdadala ng "powder drugs" sa party. Nananatiling tahimik si Rosales sa pagdadawit sa kanyang pangalan sa kontrobersiyal na pagkamatay ni Dacera.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results