Isa si Paolo Gumabao sa mga bida sa Silip ng Apoy, ang sexy-drama movie na pinagbibidahan nila nina Sid Lucero, Jela Cuenca, at Angeli Khang.
Sa mediacon ng pelikula, sinabi ni Sid na naloka sila sa ginawa ni Paolo sa shooting nila para sa Silip sa Apoy.
Ayon naman sa direktor na si MacArthur Alejandre, tiyak na maloloka rin ang mga manonood ng kanilang pelikula na mula sa panulat ng award-winning scriptwriter na si Ricky Lee.
“Maloloka sila kapag pinanood nila. Maloloka talaga sila kapag nakita nila.
“Isipin na lang ninyo, kapag yung karakter ni Paolo na si Alfred, e, naninilip at yung sinisilip niya, yung nakikita niya sa paninilip niya, e, very graphic na sex act.
"Anong gagawin niya habang sumisilip siya?" pahiwatig na ibinigay ni Alejandre tungkol sa eksenang ayaw ikuwento ni Paolo sa naganap na virtual media conference ng Silip Sa Apoy.

Teenager na si Paolo nang makilala nito nang personal ang kanyang biological father na si Dennis Roldan, pero gustung-gusto na niyang umarte noong pitong taong gulang pa lamang siya.
Ang nararamdaman ni Paolo noong bata pa ito ang patunay na talagang nananalaytay sa dugo niya ang pagiging artista tulad ni Dennis at ng kanyang tiya na si Isabel Rivas.
“Growing up, I didn’t know that my dad was an actor in the Philippines because I grew up in Taiwan,” pagtatapat ni Paolo.
“Pero I remember, when I was seven years old, I’ve always wanted to become an actor. Yun lang talaga ang goal ko since I was seven years old.
“I never knew anything about him. I thought my stepdad was my real father.
“Lagi kong sinasabi lang na I want to be an actor for some reason. I don’t know why.”
Naniniwala si Paolo na malaking tulong sa kanyang acting career ang pagkakaroon ng aktor na ama. Pero sa huli, nakasalalay pa rin sa talento sa pag-arte ang kapalaran niya sa movie industry.
Saad niya, “These connections or things that you think are leverage, it will only get you so far kasi hindi naman yung tatay mo ang aarte.
“Ikaw yung nasa [harap] ng kamera mismo. Ikaw yung nakikihalubilo sa buong production.
“It’s always about the fire, how you keep the fire going, and how you see the craft. How much respect you have for the craft.
“I just focus on doing what I love and it’s giving my one hundred percent best in everything I do. Yun lang ang nasa isip ko ever since I started [acting]."