PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pops Fernandez now an object of envy after Aga, Piolo jowa reveal

Close friend ni Pops, unang naging "jowa" si Piolo.
by Jojo Gabinete
Published Dec 3, 2021
pops fernandez beautiful
Sa December 12 ay magdiriwang ng kanyang 55th birthday si Pops Fernandez, pero marami ang nagsasabing para siyang bampira siya dahil hindi tumatanda ang hitsura niya.
PHOTO/S: @popsfernandezofficial on Instagram

Kahit matagal nang panahon ang nakalipas, marami pa rin ang nagulat sa rebelasyon ni Pops Fernandez na nakarelasyon niya noon sina Aga Muhlach at Piolo Pascual sa "Jojowain o Totropahin Challenge" na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Pinag-usapan ang walang kamali-malisyang pag-amin ni Pops na lantarang kinainggitan ng mga kapwa niya babae dahil mga guwapo at sikat ang kanyang mga ex-boyfriend.

“Pops is Pops” at “Unli-Pops” ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens tungkol sa pangungumpisal na ginawa ni Pops.

Magdiriwang ng kanyang 55th birthday si Pops sa December 12 pero parang bampira siya dahil hindi tumatanda ang hitsura niya.

In fact, habang nagkakaedad, lalong gumaganda si Pops dahil marunong mag-alaga sa sarili kaya walang panahong nakita siyang tumataba o lumalapad ang pangangatawan.

Ang reaksiyon ng isang malapit na kaibigan ni Pops tungkol sa ipinagtapat nitong “na-jowa” niya si Piolo ang hinihintay ng mga nakakaalam sa mga tunay na pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa umamin si Pops na may nakaraan sila ni Piolo, ang kanyang close friend ang unang nakarelasyon ng 44-year-old actor kaya may karapatan ang "mystery friend" na magsalita ng “Una siyang naging akin.”

Ang tanong: lalantad ba ang kaibigan ni Pops para isiwalat sa buong mundo na may nakalipas din sila ni Piolo o pipiliin na lang niyang manahimik para hindi na humaba pa ang kuwento?

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa December 12 ay magdiriwang ng kanyang 55th birthday si Pops Fernandez, pero marami ang nagsasabing para siyang bampira siya dahil hindi tumatanda ang hitsura niya.
PHOTO/S: @popsfernandezofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results