Rob Gomez, natutuwa sa magandang feedback sa tambalan nila ni Barbie Forteza

by Jojo Gabinete
Jan 24, 2022
rob gomez barbie forteza mano po
Rob Gomez: "Nagulat din ako na talagang maraming natutuwa sa mga eksena namin ni Barbie, nakakakilig daw kami at magaling daw ako umarte. Na excited sila for more leading-man opportunities for me."
PHOTO/S: Instagram

Ang newbie actor na si Rob Gomez ang isa sa mga nakikinabang sa tagumpay sa telebisyon ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, ang top-rating primetime drama series ng Regal Entertainment Inc. at GMA-7.

Mabilis na nagmarka sa televiewers ang karakter ni Rob sa teleserye na si Joseph Chan.

Mula nang mapanood siya sa Mano Po Legacy, nadagdagan ang social media followers ni Rob.

Habang tumatagal din, dumarami ang fans ng tandem nila ni Barbie Forteza.

Saad ni Rob, “For people to see the work that we put in always feels good. To receive positive comments are always good.

“Thankful ako na napapansin nila that we can work together really well and I am honored to be paired with such a great actress."

Puring-puri rin ni Rob ang ugali ni Barbie.

Barbie’s great. She’s amazing. She’s such a great actress kaya sometimes pinapanood ko na lang siya kapag umaarte.

“She’s kind and super approachable. Again, I feel so honored working with her. I hope we get to work together more."

Continue reading below ↓

Marami raw naituro sa kanya si Barbie tungkol sa industriya ng telebisyon na pinasok niya buhat nang magkasama sila sa Mano Po Legacy.

Ikinatutuwa rin ni Rob ang mga positive feedback ng televiewers at netizens tungkol sa kanyang performance at sa strong screen presence niya.

THE CHANGES IN ROB

Nang tanungin ang mga pagbabago sa kanyang buhay mula nang maging cast member siya ng Mano Po Legacy, walang masyadong nag-iba ang sagot ni Rob.

Aniya, “Not much have changed in my life po mismo. Nagkaroon na po ako ng maliit na fan base and I appreciate them so much.

“They are so kind to me and I just wanna make them proud of supporting me. I am still the same person, just with bigger dreams and more aspirations.

“I challenge myself every day. I try to be the best person I can be, be nice, stay humble, work hard, and be thankful.

Continue reading below ↓

“I pray for more opportunities to come my way and I will never let down the people who give me trust.

“Nagulat din ako na talagang maraming natutuwa sa mga eksena namin ni Barbie, nakakakilig daw kami at magaling daw ako umarte. Na excited sila for more leading-man opportunities for me.

“Hanggang ngayon, in shock pa rin ako sa praises na natatanggap ko and I just wanna do better so I can give them, the fans of the show, to Regal Entertainment, Inc. and GMA-7."

FROM EJERCITO CLAN

Marami ang hindi nakakaalam na nagmula sa Ejercito clan si Rob.

Kahit marami na ang entertainment writers na nagsulat noong pamangkin siya ni Gary Estrada, may netizens at televiewers na hindi alam na kamag-anak niya ang aktor.

Natatawa si Rob sa mga komentong nababasa nito mula sa mga taong hindi alam na pamangkin siya ni Gary at nagsasabing bukod sa magkahawig, parehong-pareho ang mga kilos nila.

Continue reading below ↓

“About my Uncle Gary, it’s an honor to be compared to him. I look highly of him. He’s an amazing guy and he respects people and people respect him.

“Siguro po, nako-compare kami dahil idol ko siya noong bata pa ako or maybe I incorporated his nuances to build the character of Joseph.

“It would be really hard to achieve what he did in his career and his life achievements, pero I think we have different approaches when it comes to acting, but to be like him is a compliment,” ani Rob.

gary estrada nephew rob gomez

Continue reading below ↓

Nagagalak si Rob dahil napapansin siya sa kanyang kakayahan sa pag-arte, hindi dahil miyembro siya ng Ejercito clan.

Pahayag niya, “It’s an amazing feeling. The appreciation is incredible.

"Of course, as a newbie to the industry, personally, I would want to earn the respect of my peers, producers, and fans.

“And so far, nangyayari na po siya more than I expected.

"To be recognized by skill and not by my name, that was the goal actually hence I used my mother’s screen family name, which is Gomez, to be credible for my calibre."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Gomez: "Nagulat din ako na talagang maraming natutuwa sa mga eksena namin ni Barbie, nakakakilig daw kami at magaling daw ako umarte. Na excited sila for more leading-man opportunities for me."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results