PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sen. Padilla: 16-Hr Movie Shoot Possible

Kayanin din kaya ng ibang produksiyon ang 16-oras na taping o shooting?
by Jojo Gabinete
Published Dec 7, 2023
Robin Padilla
Si Senator Robin Padilla mismo ang magpapatunay na hindi kailangang lumampas sa labing-anim na oras ang pagtatrabaho ng mga manggagawa sa Philippine entertainment industry dahil sa sariling karanasan niya sa shooting ng Bad Boy 3.
PHOTO/S: Screengrab from Facebook | Robin Padilla

Sigurado na ang pagdalo ng mga artista sa ikatlong beses na pagbasa sa Senado ng The Eddie Garcia Bill na nakatakdang maganap sa darating na Lunes, Disyembre 11, 2023.

Read: The many things we learned from Eddie Garcia

Dadalo ang mga artista bilang suporta sa panukalang batas na may pangunahing layuning protektahan ang lahat ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas.

Read: Local artists, nagtipun-tipon para talakayin ang Eddie Garcia Law

Si Senator Robinhood Padilla ang isa sa mga masugid na sumusuporta sa panukalang batas na ipinangalan sa multi-awarded actor na si Eddie Garcia, na binawian ng buhay noong Hunyo 20, 2019.

Para patunayang maaaring magtrabaho sa loob lamang ng labing-anim na oras ang entertainment industry workers, gumawa ng pelikula si Padilla na siya ang producer, direktor, at artista, ang Bad Boy 3.

Ilalahad ni Padilla sa Senado sa Lunes na siya mismo ang makapagpapatunay na hindi kailangang lumampas sa labing-anim na oras ang pagtatrabaho ng mga manggagawa sa Philippine entertainment industry dahil sa sariling karanasan niya sa shooting ng Bad Boy 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatotohanan ng isang production insider na hindi lumampas sa labing-anim na oras (kasama na ang mga breaktime) sa bawat araw ang pagtatrabaho ng lahat ng mga sangkot sa paggawa ng Bad Boy 3 dahil sa mahigpit na disiplinang ipinatupad ni Padilla.

“Hindi lumalagpas sa fifteen hours ang trabaho namin. Basta pina-pack up niya ang shooting kapag malapit na ang 16th hour. Puwede talaga basta may discipline ang mga artista, production crew, at producer,” lahad ng production insider.

Umaasang maidadagdag sa Eddie Garcia Bill ang probisyon tungkol sa pagkakaroon ng disiplina ng bawat isa para maipatupad ang hindi lalampas sa labing-anim na oras na pagtatrabaho ng entertainment industry workers.

Maigting ang pagnanais ni Robin na maisakatuparan na ang bill na magsisilbing proteksiyon ng lahat ng mga kasamahan niya sa industriya.

Ayon sa kanya, “Hindi lang naman ako senador ng artista, senador din ako ng mga producer at ng mga maliliit na mangaggawa kaya pantay-pantay ang tingin ko sa kanilang lahat.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Senator Robin Padilla mismo ang magpapatunay na hindi kailangang lumampas sa labing-anim na oras ang pagtatrabaho ng mga manggagawa sa Philippine entertainment industry dahil sa sariling karanasan niya sa shooting ng Bad Boy 3.
PHOTO/S: Screengrab from Facebook | Robin Padilla
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results