PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Balitang buntis na si Sarah Geronimo, "not true at all"

May "baby bump" na nga ba si Sarah Geronimo?
by Jojo Gabinete
Published Dec 8, 2020
sarah geronimo matteo guidicelli pregnant
"In two years' time" pa ang plano ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na magkaroon ng anak.
PHOTO/S: Matteo Guidicelli Instagram

"Not true at al."

Ito ang reaksiyon ng isang malapit kay Sarah Geronimo tungkol sa mga haka-hakang buntis na ang singer-actress sa panganay nila ni Matteo Guidicelli.

Nagkaroon ng hinala ang fans ni Sarah na nagdadalantao na ang kanilang idolo dahil sa “baby bump” na napansin nila sa isang video ng singer-actress na lumabas noong weekend.

Pero pinabulaanan ito ng kaibigan niyang nagsabi na “in two years' time” pa ang plano ng mag-asawa na magkaroon ng anak.

Ang pagbubuntis ni Sarah ang hinihintay ng mga sabik na tagahanga nila ni Matteo buhat nang magpakasal sila noong February 20, 2020.

Mula nang magsama ang dalawa, naging generous o mapagbigay si Matteo sa mga tagahanga nila ni Sarah sa pagbabahagi ng mga nagaganap sa kanilang buhay, kaya tiyak na siya ang unang magbabalita kung sakaling magiging mga magulang na sila.

Hindi ito ang unang pagkakataong napabalitang buntis si Sarah dahil sinagot na noon ni Matteo sa isang virtual press conference ang mga espekulasyon tungkol sa kalagayan ng kanyang misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Baby plans? I don’t think so. Not yet.

"We’re just enjoying our time together, after all these years. Hopefully in the right time," paglilinaw ni Matteo, na pagpapatunay na wala pa sa mga balak nila ni Sarah ang pagkakaroon ng anak dahil ini-enjoy pa ng dalawa ang kanilang panahon bilang mag-asawa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"In two years' time" pa ang plano ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na magkaroon ng anak.
PHOTO/S: Matteo Guidicelli Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results