PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert Ross, nag-invest sa farms; nag-venture sa pagsusulat

Target niyang mag-release ng nobela this 2025.
by Jojo Gabinete
Published Feb 23, 2025
Wilbert Ross and the farm lot he bought for his parents
Wilbert Ross and the farm lot he bought for his parents Tina and Lito
PHOTO/S: @itswilbertross on Instagram

In less than 10 years since nag-join siya sa showbiz through It's Showtime's "Tawag ng Tanghalan" and just before turning 30, may mga naipundar na rin si Wilbert Ross.

Ang kuwento niya sa Cabinet Files, "Bumili ako ng farm sa Davao, then isang farm din, parang palayan, for my parents para meron silang pagkakakitaan.

"At the same time, investment din siya. Habang tumataas ang value, kumikita rin ang parents ko.”

Noong August 2024 nag-post si Wilbert tungkol sa pang-retirement ng kanyang mga magulang na sina Tina at Lito, na ang backdrop sa larawan ay malawak na lupain.

Saad ng VIVA talent sa caption:

"Iba iba tayo ng sitwasyon ng pamilya kaya mahirap magsalita para sa iba. Di rin natin sila masisisi

"Respect begets respect
Love begets love
Kindness begets kindness

"Naramdaman ko yun lahat sa mga magulang ko.
Binabalik ko lang. Di dahil sa magulang ko sila. Kundi dahil napalaki nila ako ng maayos sa pagmamahal at pag aaruga ng walang hinihinging kapalit.

"Will do my best na maging masaya sila sa retirement nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wilbert Ross, tinakpan ng mga tattoo ang pananakit sa sarili

Wilbert bought a farm lot for his mom Tina and stepdad Lito
Wilbert's mom Tina and stepdad Lito with their farm lot as their backdrop
Photo/s: @itswilbertross on Instagram

Bukod dito, hindi siya tumigil para i-improve ang kanyang sarili.

Mula sa singing, pinasok din niya ang acting, songwriting, pati na ring directing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang next goal ng dating Hashtag member ay maging novelist at scriptwriter.

WILBERT ROSS' FIRST NOVEL

Umaasa si Wilbert na mailalabas bago matapos ang taon ang isinulat niyang thriller novel.

Hindi lamang pala mga kanta ang isinusulat ng singer-actor.

Mula pa noong 2018, nakahiligan niya ang pagsusulat ng mga nobela. At nung mauso ang mga lock-in taping at shooting during the pandemic, lalong sumidhi ang kagustuhan niyang maisapelikula ang mga nobela niya.

"Siguro people don’t know na I also write scripts. Gusto ko talagang magkuwento ng mga kuwento mula sa utak ko.

"Gusto kong i-share so inuunti-unti ko lang, simula music video, hopefully, dahan-dahan hanggang sa kaya ko nang maging full director,” ang kuwento ni Wilbert nang makausap siya ng Cabinet Files.

Read: Wilbert Ross, inaming na-intimidate kay Nadine Lustre

Nagbigay pa ng ilang detalye ang binata tungkol sa una niyang akda.

“Yung isang script ko, mahaba siya kaya ginawa ko na lang na novel. Ire-release ko siya, end of this year.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Meron akong dalawang thriller, isang comedy saka ongoing na superhero series.

“Nag-start yung mismong idea noong 2018 and then noong 2021, nauso yung mga lock-in taping. Sa hotel ka lang [sinulat] for the week na walang gagawin.

"Sabi ko, 'Try ko nga.' Isinulat ko, sabog pa yung plot until natuto ako ng formatting.

"Ang title ng novel is Pagbilang Ko ng Tatlo, thriller siya.

"Yung script mismo, nasa 100 pages. Ang first plan ko, gawin na pelikula, pero hanggang wala pa, i-release ko na lang as novel," ang lahad ni Wilbert.

Pinasasalamatan niya ang kanyang pamilya at mga kaibigang nagbigay na panahon para basahin ang mga nobela niya.

WILBERT ROSS' FIRST LOVE

Marketing management graduate si Wilbert, at hindi man niya nagagamit sa showbiz profession ang mga natutunan sa paaralan, napapakinabangan niya ang mga pinag-aralan sa personal na buhay.

"Nagagamit ko naman kung paano ko i-market ang sarili ko, and ini-explore ko rin kung paano yung bagong ways ngayon on how to market things,” ang sabi ni Wilbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi nawawala ang pagmamahal niya sa musika kaya patuloy siyang nagsusulat ng mga kanta hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa mga kasamahan niya sa industriya.

"Kung ira-rank ko, ang number one love ko talaga is music. I really love performing in front of people, so ang pagsusulat ko ng kanta, sobrang rewarding sa akin.

"Yung thought na parang kumanta ka, original song mo tapos sasabayan ka ng mga tao, yun ang pinaka-rewarding for me as a songwriter.

"Naka-release na ako ng seventeen original songs.”

WILBERT ROSS' UPCOMING PROJECTS

Nagkaroon ang Cabinet Files ng pagkakataong makausap si Wilbert sa story conference ng Isolated, ang pelikulang ginagawa at pinagbibidahan nila ni Yassi Pressman.

Bukod sa Isolated, ibinalita ni Wilbert na pinaghahandaan niya ang taping ng Book V ng WattPad University series.

"I am waiting for the Book V of University Series, kami ni Bea Binene ang mag-partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So yun ang inaantay ko at pinaghahandaan ko talaga kaya I am trying to max out anything na puwedeng i-max out sa akin, physical, acting and all.

"May ini-release ako na music video, mga lumang music video starring Krizzia Viaje and Jerome Ponce, directed by me.

"Lahat ng music videos ko, ako po ang gumagawa. Mga lima na po yata," pagtatapos ng talented star.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Ross and the farm lot he bought for his parents Tina and Lito
PHOTO/S: @itswilbertross on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results