PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wowowin ni Willie Revillame, nagbabalik sa YouTube at Facebook

Will Network ni Willie, malapit nang magbukas sa YouTube.
by Jojo Gabinete
Published Mar 17, 2022
wowowin
Simula noong March 15, muling napanood si Willie Revillame at ang programa nitong Wowowin sa official YouTube channel (na may 7.53 million subscribers) at Facebook page (12 million followers) ng Wowowin.
PHOTO/S: YouTube

Tinupad ni Willie Revillame ang pangakong magbabalik ang Wowowin matapos niyang magpaalam at ang kanyang programa sa GMA -7 noong February 11, 2022.

Read: Willie Revillame bids emotional goodbye to GMA-7; clarifies "fake news" about his Kapuso contract

Simula noong March 15, muling napanood si Willie at ang programa nito sa official YouTube channel (na may 7.53 million subscribers) at Facebook page (12 million followers) ng Wowowin, na ipinaubaya sa kanya ng GMA-7 at isang malaking bagay para sa TV host.

Limpak-limpak na salapi—dahil P50,000 sa bawat tawag niya sa cellphone—ang ipinamudmod ni Willie sa unang araw ng live streaming ng Wowowin Tutok Para Manalo, mula sa studio nito sa Will Tower, sa YouTube at Facebook noong Martes.

“Abangan ninyo po ang pagbubukas ng Will Network. Lahat ng mga programa, magugustuhan niyo thru live streaming.

“Meron tayong tinatawag na OTT at IPTV. Yung IPTV po, lilipat tayo doon at doon kayo maglalaro. Lahat kayo araw-araw, bibigyan ko ng pang-load.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hanggang fifty [na bilang] ng tao, bibigyan namin ng tig-one thousand na cellphone load araw-araw,” excited na announcement ni Willie sa social media viewers ng kanyang programa.

Pansamantalang mapapanood ang Wowowin sa social media platforms at sa bubuksan ni Willie na Will Network habang hinihintay ang pagbubukas ng TV station na pag-aari ng mga Villar na lilipatan niya.

“Ito ang maganda sa Facebook, saka sa YouTube, napapanood ka, e. Sana mapanood na tayo sa TFC [The Filipino Channel].

“Sana maging partner natin ang TFC kasi para makita ako ulit diyan sa Amerika, yung ating mga kababayan diyan. Sa mga lola, sa mga nanay,” sabi ni Willie.

Ipinaalaala ni Willie sa mga kababayan natin sa Cebu na live na mapapanood ang Wowowin sa Abellana Grandstand bukas, March 18, kaya dapat abangan ang kanyang mga special guest at ang cash prizes na ipamamahagi niya.

Halos isang buwang hindi napanood sa telebisyon ang Wowowin pero tila hindi nabawasan ang popularidad ni Willie at ng kanyang programa dahil popular show ito sa Facebook at YouTube tuwing gabi mula nang bumalik siya noong March 15, 2022.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula noong March 15, muling napanood si Willie Revillame at ang programa nitong Wowowin sa official YouTube channel (na may 7.53 million subscribers) at Facebook page (12 million followers) ng Wowowin.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results