May mga pagsubok na pinagdaraanan si Yasmien Kurdi, pero hindi ito mahahalata sa hitsura niya nang humarap siya sa entertainment press sa digital conference ng The Missing Husband na kasalukuyang nagaganap nitong Martes ng hapon, August 22, 2023.
Maaliwalas ang mukha at nanatiling positibo ang mga pananaw ni Yasmien nang ikuwento nitong biktima ng cyber bullying ang kanyang 10-year-old daughter na si Ayesha, at naghihintay ng kidney donor ang nanay niya na kailangan nang sumailalim sa kidney transplant procedure sa lalong madaling-panahon.
Read: Yasmien Kurdi awaiting kidney donor for ailing mom
“Ako, bilang mommy, ipaglalaban ko siya kasi mahal ko siya. Sabi ko nga sa anak ko, 'Hindi lahat magugustuhan ka.' Sabi ko, 'Kapag marami kang fans, marami ka rin bashers.'
“In life, yan ang realidad ng buhay. You have to be strong.
"Basta ako, lagi akong nandito kapag alam ko na tama yung anak ko. I will always fight for her.
"Kapag alam kong mali ang anak ko, ako mismo ang magso-sorry sa parents," pahayag ni Yasmien, na nangakong ipaglalaban niya ang kanyang mga mahal sa buhay.
Taos-puso rin ang pasasalamat ni Yasmien sa asawa niyang si Rey Soldevilla Jr. dahil sa suporta at unconditional love na ibinibigay sa kanya.
“Na-appreciate ko yung meron akong asawa at family kasi ang dami kong karamay. Ang dami kong kasama.
“Even my network, napi-feel ko yung support, yung love."
Read: Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla, naudlot na naman ang planong magka-second baby
Nagpasalamat din si Yasmien sa kanyang home studio, ang GMA-7 dahil hindi siya binigyan ng mga showbiz commitment habang inaalagaan niya ang inang may karamdaman.
Dahil sa overwhelming support na natatanggap, hindi napigilan ni Yasmien na magkuwento tungkol sa sorpresa nito para sa kanyang ina na hindi na sorpresa dahil ibinulgar niya sa Zoom presscon ng The Missing Husband.
“Nabilhan ko siya ng bahay, katabi lang ng bahay ko, pero hindi pa naipapakita sa kanya. Sabi ko, surprise pa muna, so excited siya.
“Hindi pa niya nakikita, titira doon ang mom ko, yung lola ko na 80 years old, my cousin na nasa amin na since two years old, so I’m really happy kasi lalapit na sa akin yung lola ko and my mom.
“Kapag may gatherings, lagi na sila dito. Ipagluluto ko sila every day.
"So I’m really really happy and excited," nakangiting lahad ni Yasmien tungkol sa isiniwalat na sorpresa para sa kanyang ina.