May mga tanong ka ba tungkol sa COVID-19 vaccine?
May libreng webinar ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa iyo.
Pinamagatang “Ating Alamin: Bakuna sa COVID-19,” inorganisa ito ng Episcopal Commission on Health Care ng CBCP.
Idaraos ito sa Huwebes, March 4, simula 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
May nauna nang webinar ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care na idinaos ngayong Lunes, March 1.
“The webinars seek to encourage the public to heed the call of the government and the church to get themselves vaccinated against the coronavirus to help stop the pandemic,” saad sa statement ng CBCP.
Guest speaker sa webinar sa Huwebes sina Dr. Maria Cristina Alberto, community pediatrician at nagtatag ng Hope In Me Club, at Dr. Jemelyn Garcia ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases.
Makikibahagi rin sa online forum sina Bishop Rex Ramirez, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care; CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles; at CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.
Gamitin ang link na ito: http://bit.ly/3st2Dw5 para maagang makapagpa-register.
COVID-19 VACCINATION IN PH STARTS
Sinimulan na ngayong araw sa bansa ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Si Philippine General Hospital (PGH) Director Dr. Gerardo Legaspi ang kauna-unahang recipeint ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Ginamit kay Legaspi ang bakunang gawa ng Sinovac Biotech Ltd. ng China na dumating sa bansa nitong Linggo, February 28.
Ang pagbabakuna kay Legaspi ang nagsilbing hudyat sa simula ng inoculation sa bansa para maprotektahan ang mamamayan nito laban sa COVID-19.
Batay sa vaccination plan ng gobyerno, uunahing bakunahan ang mga medical frontliners, kasunod ang mga senior citizens, mga persons with disabilities (PWDs), at ang uniformed personnel, tulad ng mga pulis at sundalo.