PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Emotional problems caused by COVID-19 pandemic

OCTA Research fellow: “Laging tinatamaan ang kabataan, yung mga nag-aaral.”
by Jet Hitosis
Published Mar 11, 2021
Twenty-eight percent of Filipinos who participated in OCTA Research's Tugon ng Masa survey more than a month ago have reported having experienced stress or extreme sadness brought about by the COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: unsplash.com

Twenty-eight percent ng mga Pilipino ang dumaranas ng stress o matinding kalungkutan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ang natuklasan sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research Group na isinapubliko nitong Martes, March 9.

Isinagawa ang survey halos isang taon na ang nakalipas makaraang ipinatupad ng gobyerno ang quarantine noong March 17, 2020 para mapigilan ang hawahan ng COVID-19 sa bansa.

Ang face-to-face survey ng OCTA ay isinagawa sa 1,200 respondents simula January 26, 2021 hanggang February 1, 2021.

“Geographically, the highest percentage of respondents who experienced emotional problems was observed in adult Filipinos residing in NCR (40%),” saad sa pahayag ng OCTA.

Ang NCR ay tumutukoy sa National Capital Region o Metro Manila.

Nasa 26 percent sa Luzon ang dumanas ng emotional problems dahil sa pandemya, 25% sa Visayas, at 25% din sa Mindanao.

Sa larangan ng socioeconomic classifications, pinakamaraming dumanas ng emotional problems sa nasa Class E sa 35%, kumpara sa ibang classes, dagdag ng OCTA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It is also significant to note that some adult Filipinos experienced mental health problems such as depression (9%), with most of the responses coming from Mindanao (11%),” anang OCTA.

STUDENTS ARE PRONE TO EMOTIONAL PROBLEMS

Mga estudyante raw ang pinakamadaling maapektuhan ang emosyon ngayong may pandemya, ayon kay Dr. Michael Tee, propesor ng University of the Philippines (UP) College of Medicine at fellow ng OCTA Research.

“Doon sa aming survey, nakita namin na ang laging tinatamaan ay ang kabataan, yung mga nag-aaral,” sinabi ni Tee nang makapanayam sa DZBB ngayong Huwebes ng umaga, March 11.

“At ang isa sa mga analysis, nang ikinumpara namin sa international na senaryo, ay iyong pagkakaroon ng distance learning at ang kawalan ng interaksiyon sa ibang tao.”

Ayon kay Tee, hindi maiiwasang makadama ng kalungkutan ngayon ang mga mag-iisang taon nang hindi nakakalabas ng bahay.

“Marami talagang epekto ang quarantine, ang lockdown, at kadalasang nakikita natin sa kawalan ng trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yung mga hindi nagtatrabaho, talagang nalulungkot din, dahil sila yung naiiwan sa bahay,” sabi ni Tee.

Bagamat delikado raw mahawa sa COVID-19 ang mga lumalabas ng bahay, gaya ng mga frontliners at ibang mga pumapasok sa trabaho, mas maliit ang tsansang malungkot sila.

Nagkakaroon na raw kasi ang mga ito ng ibang environment, bukod sa bahay, at nakakahalubilo na ang ibang tao.

Paliwanag ni Tee: “Amin [researchers] siyang ina-analyze noon, nung kasagsagan talaga ng lockdown. Mas apektado yung mga naiiwan sa bahay kumpara dun sa mga nakakalabas.

“Yung mga frontliner, pagka tiningnan mo, bagamat sila ay exposed na exposed sa COVID, hindi sila masyadong nalulungkot. Ito siguro ang tinatawag natin na komunida.”

LACK OF SOCIAL SUPPORT

Ayon kay Tee, dahil sa virus ay nawalan ng sense ng “kapitbahay” ang mga Pilipino.

“Ang malupit dito sa COVID, inalisan tayo ng kapitbahay, e. Yung kapitbahay kasi, 'yan ang source ng ating social support,” aniya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At ngayong lalong nadadagdagan ang nagpopositibo sa COVID-19, lalo raw dapat manatili sa bahay ang mga tao hanggang maaari.

Para kay Tee, tanging pagbabakuna kontra COVID-19 lang ang nakikita niyang solusyon sa problemang ito.

“Ang matindi na kailangan nating gawin, pabilisin natin ang proseso ng pagbabakuna upang nang sa ganun ay malabanan na natin nang husto itong COVID-19.

“Kung hindi, hindi naman talaga tayo maaaring maglabasan. Lalo na ngayon, umaabot na tayo sa mga 3,000 kaso araw-araw,” sabi ni Tee.

Sa latest update ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, March 11, sumampa na sa 603,308 ang kabuuang nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas.

Nasa 2,886 ang new infections na naitala nitong Miyerkules, kaya 44,470 ang kasalukuyang ginagamot sa mga ospital dahil sa COVID-19.

Nasa 12,545 na ang napatay ng virus sa bansa.

DOH COVID-19 case bulletin as of March 11, 2021

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Twenty-eight percent of Filipinos who participated in OCTA Research's Tugon ng Masa survey more than a month ago have reported having experienced stress or extreme sadness brought about by the COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results