PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PHIVOLCS raises Taal Volcano's alert status to level 3

Baka kasunod nito ay pagsabog.
by Jojo Gabinete
Published Mar 26, 2022
Taal Volcano Alert Level 3
Itinaas ng PHIVOLCS ang alert status ng Taal Volcano sa level 3 ngayong umaga, March 26, 2022.
PHOTO/S: Screen Grab from Bantay Bulkang Taal at Lawa Peoples Organization Inc.

Naglabas ngayong Sabado ng umaga, March 26, 2021 ng babala at paalala sa ating mga kababayan ang DOST-PHIVOLCS dahil sa kasalukuyang kalagayan ng Taal Volcano.

Tinututukan ito ng ilan sa ating mga kababayan kaya live na napapanood sa YouTube.

Mula sa Alert Level 2 (increasing unrest), itinaas ng DOST-PHIVOLCS sa Alert Level 3 (magmatic unrest) ang alert status ng Taal Volcan dahil sa mga "phreatomagmatic burst" na nagdulot ng mataas na volcanic plumes, "infrasound signal," at lindol na nangangahulugang may nagaganap na "magmatic intrusion sa main crater."

Live video of Taal Volcano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Posibleng ang kasunod nito ay pagsabog.

Ang rekomendasyon ng PHIVOLCS ay ilikas ang mga residente ng mga high-risk barangay ng Bilibinwang at Banyaga, Agoncillo at Boso-boso, Gulod at eastern Bugaan East, Laurel, Batangas Province dahil sa panganib na maaaring idulot ng "pyroclastic density currents and volcanic tsunami," kung sakaling matuloy ang pagsabog ng Taal Volcano.

Ipinaalala rin ng PHIVOLCS na isa nang Permanent Danger Zone ang buong Taal Volcano Island kaya hindi na pinapayagan ang pagpasok ng mga tao sa naturang isla at sa mga high-risk barangay.

Ipinagbabawal na ang mga aktibidad sa Taal Lake.

Pinag-iingat at pinaghahanda rin ang lahat laban sa airborne ash kapag natuloy ang pagputok ng bulkan.

Nagpaalala rin ang PHIVOLCS sa aviation authorities na payuhan ang mga piloto ng mga eroplano na iwasang lumipad sa Taal Volcano Island dahil sa sakuna na maaaring ihatid ng airborne ash at ballistic fragment mula sa biglaang pagsabog at pyroclastic density currents ng bulkan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling sumabog ang Taal Volcano noong January 12, 2020, at naghatid ng malaking perwisyo sa mga residente ng apektadong lugar.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinaas ng PHIVOLCS ang alert status ng Taal Volcano sa level 3 ngayong umaga, March 26, 2022.
PHOTO/S: Screen Grab from Bantay Bulkang Taal at Lawa Peoples Organization Inc.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results