PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matteo Guidicelli as ROTC Instructors

Pumayag naman kaya sila?
by KC Cordero
Published Jan 30, 2023
Photo of celebrity reservists in combat uniform
Ang presensya raw ng mga celebrity reservists tulad nina Matteo Guidicelli, Winwyn Marquez, at Beatrice Luigi Gomez ay makakapagbigay ng inspirasyon sa mga estudyanteng kukuha ng panukalang mandatory ROTC.

Puwedeng maging instructors sa Reserve Officers' Training Course (ROTC) ang mga celebrity reservists para matugunan ang kakulangan sa personnel.

Ito ang inihayag ni Senator Ronald Dela Rosa noong January 29, 2023, sa isang radio interview.

Photo of Sen. Ronald Dela Rosa

Ayon sa senador, ang presensiya ng mga celebrity reservists ay makakapagbigay-inspirasyon din sa mga estudyanteng kukuha ng panukalang mandatory ROTC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit ni Dela Rosa ang aktor na si Matteo Guidicelli, na puwede raw sumailalim sa Instructors Development Course (IDC).

Si Matteo ay may ranggong 2nd Lieutenant bilang Army reservist.

Photo of Matteo Guidicelli

Nagsanay siya noon kasama ng Scout Rangers at ng Presidential Security Group.

Maging ang mga beauty queens na sina Winwyn Marquez at Beatrice Luigi Gomez ay sumailalim sa basic military training.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Photo of Wynwyn Marquez

Matatandaang Top 1 si Wynwyn sa Basic Citizen Military Course na isinagawa noong September to November 2020. Reservist siya sa Philippine Marines.

May ranggong sergeant naman si Beatrice bilang Philippine Navy reservist.

Photo of Beatrice Gomez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Dela Rosa, “Puwedeng i-tap ang mga reservist. Maaari ding bigyan ng allowance yung mga celebrity katulad ni Lt. Guidicelli.

“Sapat na yun. Mag-train pa sila sa IDC.”

Related articles:

Ang pahayag ni Dela Rosa ay bilang reaksiyon sa pangamba ng Department of National Defense (DND) na wala itong sapat na personnel para sa tinatayang 2,400 schools sa buong bansa.

Kada eskuwelahan ay mangangailangan ng hanggang apat na instructors.

Pinawi rin ng senador ang pangamba ng pang-aabuso sa mga sasailalim sa mandatory ROTC training.

Aniya, may mga sapat na safeguards ang isinumite niyang Senate Bill No. 1349 o ang Reserve Officers Training Corps for Tertiary Education Act of 2022.

Gayundin din daw ang lima pang ROTC measures na inakda naman ng kanyang mga kapwa mambabatas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakaroon ng committee sa bawat school, na kabibilangan ng mga kinatawan ng DND, school administrations, at ng Commission on Higher Education, na siyang hahawak sa mga reklamo ng pang-aabuso.

Sinabi rin ni Dela Rosa na ang mandatory ROTC training ay hindi nakatuon lang sa paggamit ng mga baril at combat familiarization.

Tuturuan din ang mga estudyante ng tungkol sa pangangalaga ng kalikasan, pagtugon sa mga kalamidad, at kabutihang asal.

Inaprubahan ng House of Representatives noong December 2022 ang panukalang batas para sa two-year mandatory National Citizens Service Training program, at ang optional four-year ROTC program.

Wala pang reaksiyon ang mga celebrity reservists sa pahayag ni Dela Rosa.

Ilan sa mga taga-showbiz na reservists ay sina Christopher de Leon, Vilma Santos, Manny Pacquiao, Dingdong Dantes, Gerald Anderson, Julia Barretto, Geneva Cruz, Ronnie Liang, JM de Guzman, Arci Munoz, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kiko Estrada, at marami pang iba.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang presensya raw ng mga celebrity reservists tulad nina Matteo Guidicelli, Winwyn Marquez, at Beatrice Luigi Gomez ay makakapagbigay ng inspirasyon sa mga estudyanteng kukuha ng panukalang mandatory ROTC.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results