Ang laking bagay kung ang mga transaksiyon sa mga gobyerno at kumpanya ay mabilis.
Gaya na lang ng pagre-renew ng rehistro ng sasakyan na karaniwang inaabot ng maghapon o higit pa sa Land Transportation Office (LTO).
Nitong Valentine’s Day, February 14, 2023, inanunsiyo ni LTO Chief Jose Arturo Tugade sa isang Facebook post na maaari nang gamitin ang Land Transportation Management System o LTMS sa pag-renew ng rehistro ng sasakyan online.
Ang proseso: tapos in 10 minutes.
Read also:
- LTO licensing center sa PITX, binuksan na
- LTO sinimulan na ang pag-iisyu ng driver’s license na may 10-year validity
ANO ANG MGA DAPAT MALAMAN BAGO MAG-renew ng car registration ONLINE?
Ang LTMS portal ay maaring gamitin ng sinumang magpaparehistro ng sasakyan kung nakapag-register na sila ng account at naipasok na ang mga impormasyon ng kanilang sasakyan.
Kailangang maiparehistro ang inyong sasakyan sa portal. Magsadya sa malapit na LTO district office upang makahingi ng assistance.
Bagamat mas pinaikli na ang proseso ng pagre-renew, may mga hakbang na hindi maaaring laktawan tulad ng pagkuha ng certificate of coverage (COC) o insurance.
Kailangan din ng pasadong roadworthiness test galing sa alinman sa mga Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC).
Ayon sa isang step-by-step process video na inilabas ng LTO noong February 15, 2023, ang LTMS portal ay gumagana lamang sa “plain renewal” ng motor vehicle registration.
Ibig sabihin, kinakailangan pa ring magsadya sa LTO district office ang mga sasakyang may record ng violation o magpapalit ng ilang detalye tulad ng mga sumusunod:
- change classification/chassis/color/engine/tire size
- change body design
- change of venue of vehicle registration,
- revision of gross vehicle weight; at
- transfer of vehicle ownership.
PAANO MAG-RENEW ONLINE
Para sa mga may kumpletong requirements at mayroong account sa LTMS portal, narito ang pinakamabilis na pag-renew ng rehistro ng inyong sasakyan online:
Step 1: Mag-log in sa portal gamit ang iyong registered account.
Step 2: Piliin ang inyong vehicle type, i-click ang “Renew” at i-encode ang COC at PMVIC test.
Step 3: Magbayad ng kaukulang renewal fees base sa klase ng inyong sasakyan. Ang mga motorsiklo ay karaniwang nagkakahalaga ng PHP240; ang mga motor na may sidecar ay PHP300; at ang mga four wheels ay PHP1,600 hanggang PhP8,000, depende sa gross weight at uri nito. Maaaring bayaran ang registration fee gamit ang online banking o alinman sa mga e-wallets tulad ng Gcash at Maya.
Step 4: I-print o kumuha ng screenshot ng inyong Official Receipt.
Hindi pa man perpekto ang proseso, walang dudang mas mabilis ito kumpara sa pagsadya at pagpila sa LTO.