PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

What you should know about Lifeline Rate of MERALCO

Apply na para may discount sa kuryente!
by Nikko Tuazon
Published Jan 1, 2024
Meralco
Ang Lifeline Rate ng Merlaco ay ang subsidiyadong rate o discounted rate na ipinagkakaloob sa mga kuwalipikadong low-income households o 4Ps members na hirap bayaran ang regular rate ng kanilang nakonsumong kuryente.
PHOTO/S: Meralco on Instagram

Naglabas kamakailan ang Meralco ng isang pahayag ukol sa Lifeline Rate program nito para sa mga maralitang Pilipino.

Simula January 2024, ang mga customer ng Meralco na hindi pa nakakatanggap ng approval para sa kanilang aplikasyon sa Lifeline Rate ay magiging saklaw sa regular rate nito, kahit na ang kanilang buwanang konsumo ay mas mababa sa 101 kWh.

ANO NGA BA LIFELINE RATE?

Ang Lifeline Rate ay ang subsidiyadong rate o discounted rate na ipinagkakaloob sa mga qualified low-income customers ng Meralco na hindi kayang bayaran ang kabuuang halaga ng kanilang kuryente, batay sa itinakdang probisyon ng Seksyon 4 ng Republic Act 9136 o Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA).

Ito ay isang mekanismong sosyalisadong paraan ng pagtatakda ng presyo na binubuo ng mga antas ng diskwento na itinatakda ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa madaling salita, ito ay isang hakbang ng Meralco at ng gobyerno upang maibsan ang pasanin ng mataas na electric bill para sa mga household na may mababang kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ilalim ng Republic Act 11552, in-update ang Lifeline Rate upang mas mapaigting ang mga karapat-dapat na customers na maaaring makakuha nito.

Layunin nitong tiyakin ang makatarungan at patas na implementasyon ng lifeline subsidy sa mga kwalipikadong marginalized end-users ng Meralco.

Ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11552 ay inilabas sa pamamagitan ng isang Joint Resolution na nilagdaan ng DOE, ERC, at DSWD.

GAANO KALAKI ANG DISCOUNT NA MAKUKUHA?

Ang ERC ang nag-set ng buwanang konsumo ng kuryente o Lifeline Consumption Threshold para sa mga qualified customer ng MERALCO.

Sa ngayon, kailangan mo umabot sa 100 kWh kada buwan na konsumo para makakuha ng Lifeline Rate. Maaaring magbago ito depende sa mga patakaran ng ERC.

Ang Lifeline Discount Rate ay ina-apply sa kabuuang bayarin kada buwan, kabilang ang generation, transmission, system loss, distribution, supply, at metering charges, pati na rin ang iba pang aprubadong singil ng ERC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang discount na makukuha ay nakadepende sa konsumo ng kuryente, tulad ng makikita sa ibaba:

Lifeline Rate

Ang Lifeline Rate ay magiging epektibo lamang kung ang konsumo ng kWh para sa buwan ay nasa loob ng lifeline consumption threshold na 100 kWh pababa. Maaaring magbago ang lifeline consumption threshold na ito batay sa mga alituntunin ng ERC.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SINO ANG QUALIFIED BENEFICIARIES NG LIFELINE RATE NG MERALCO?

Sino ang maaaring mag-apply para sa Lifeline Rate? Narito ang kasagutan:

  • Mga benepisyaryo ng "4Ps Act" (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) sa ilalim ng Republic Act No. 11310
  • Mga customer na itinuturing na namumuhay sa ilalim ng poverty threshold na itinakda ng PSA at may SWDO certification

Ngunit sa bawat household, isang 4Ps beneficiary lang ang maaaprubahan para sa Lifeline Rate. Kung sakali mang may iba pang 4Ps bveneficiary na nag-apply para sa parehong bahay, hindi muna ito aaprubahan.

Samantala, ang mga residente ng mga condominium at subdivision, maliban na lamang kung nasa ilalim ito ng mga programa o proyekto ng gobyerno, at mga tahanang may net metering ay hindi qualified.

Sa talaan mula sa ERC, hanggang katapusan ng Hulyo 2023, tanging 12,829 sa 4.2 milyong kasapi ng sambahayan ng 4Ps ang nag-apply para sa Lifeline Rate program.

ANO ANG MGA REQUIREMENTS?

Sa mga pinakabagong patakaran, ang isang customer ay dapat na maging benepisyaryo ng 4Ps o namumuhay nang below the poverty threshold na itinakda ng PSA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kakailangan ipasa ang mga dokumento sa ibaba sa pinakamalapit na Meralco Business Center:

  • Kasama sa Certified List ng 4Ps Beneficiaries ng DSWD na ibinigay ng ERC. O kaya naman ay ang certification mula sa lokal na Social Welfare and Development Office (SWDO) na ibinigay sa loob ng huling anim (6) na buwan at nagpapakita na ang financial capacity ng pamilya ay below the poverty threshold na itinakda ng PSA at naaangkop sa panahon ng kanyang aplikasyon
  • Lifeline Rate Application form na nasagutan
  • Pinakabagong Meralco bill
  • 4Ps ID o kahit anong vaild government ID

Kabilang naman sa mga valid government IDs ang mga sumusunod:

  • Police Clearance
  • Postal ID
  • Professional Regulatory Commission License (PRC) ID
  • Senior Citizen ID
  • Social Security System (ID)
  • Tax Identification (TIN) ID
  • Unified Multipurpose ID Phil ID

Mag-apply na ngayon sa kahit saang Meralco Business Center.

Tatagal ng 10 days ang application proces, bago makikita ang discount sa susunod mong bill kung hindi lalagpas ng 100 kWh ang iyong konsumo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa ibang impormasyon, bisitahin lang ang website o i-PM ang Meralco sa FB o Twitter/X. Pwede mo rin tawagan ang ERC Lifeline Program Hotline sa (02) 8689-5372 loc. 5222.

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Lifeline Rate ng Merlaco ay ang subsidiyadong rate o discounted rate na ipinagkakaloob sa mga kuwalipikadong low-income households o 4Ps members na hirap bayaran ang regular rate ng kanilang nakonsumong kuryente.
PHOTO/S: Meralco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results