Magkakaloob ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund) Film Institute, at ang CMB Film Services Inc. ng scholarship para sa mga college students na gustong mag-aral ng cinematography.
Ibinahagi ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng actor at President/CEO ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund) na si Rez Cortez.
Read: Interesting! 1996 calendar can be reused this 2024

Read: Gokongwei at Zobel groups sanib-puwersang susuportahan ang UP Fighting Maroons
Ang certificate course ay libre at tatagal nang anim na araw.
Isasagawa ito tuwing araw ng Sabado, mula alas diyes ng umaga hanggang alas singko ng hapon, sa mga petsa na February 3, 10, 17, 24; at March 2 and 9, 2024.
Ang venue ay sa Mowelfund Institute, FDCP Cinematheque Centre, at sa CMB Film Services sa Quezon City.
Ang pagpapatala o pagtanggap ng applicants ay hanggang January 23, 2024 lang.
Kabilang sa magiging trainors sina Raymond Red at Danton Wieneke.
Read: Senior High School program sa state and local universities and colleges, ititigil na
Para sa mga interesado, mag-text o tumawag sa mga sumusunod na numero: 0915-4990181 (Globe), at 0960-5085284.
Maaari ring mag-email sa www.mfi.com.ph.
Ang Mowelfund, na itinatag noong 1974, ay aktibo sa pagsasanay sa mga future filmmakers.
Kabilang sa mga produkto nito sina Brillante Mendoza, Lav Diaz, at si Raymond Red.
