PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rez Cortez, aminadong "nakakadiri" ang sex scenes niya sa Mang Kanor

Sex scenes ni Rez Cortez, choreographed ng co-star niyang si Rob Sy.
by PEP Troika
Published Jan 26, 2023
rez cortez mang kanor
Rez Cortez on his "nakakdiring" sex scenes in Mang Kanor: “Sabi ko nga, kahit na kako nakakadiri ang eksena dahil nakabuyangyang yung malaking tiyan ni Mang Kanor, e, talaga namang dapat nakakadiri si Mang Kanor. Kaya tama yung mga dialogue dun. Para bang… papatulan nila si Mang Kanor pero dahil sa monetary reasons kaya nagkaroon ng mga ganoong sitwasyon.”
PHOTO/S: Jerry Olea / AQ Prime

JERRY OLEA

Nakakadiri ang sex scenes ni Rez Cortez sa pelikulang Mang Kanor.

Ang karakter ni Mang Kanor ay matanda, pangit, maraming pera, at mahilig i-video ang pakikipagniig sa mga babaeng mas bata nang di hamak sa kanya.

Read: Rez Cortez, 66, on doing love scenes in first title role: "Si Mang Kanor, nag-breast exposure rin."

Lahad ng beteranong aktor matapos ang preview ng Mang Kanor noong Enero 25, Miyerkules sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City, “Actually, kulang yung credits na nakalagay.

“Dapat meron diyan nakalagay na Sex Scenes Choreography by Rob Sy. Dahil si Rob Sy ho ang idol namin when it comes to love scenes.”

Napatungo si Rob at napailing, na tila ba hiyang-hiya.

Sunud-sunod man ang nakaharutan ni Mang Kanor, yung karakter naman ni Rob na si Bart ay nakipag-threesome sa dalawang dilag.

Pagpapatuloy ni Mang Rez, “At meron kaming magaling na D.O.P. [director of photography] na nasundan niya lahat iyung mga shots, si Carlo Alvarez.

“Sabi ko nga, kahit na kako nakakadiri ang eksena dahil nakabuyangyang yung malaking tiyan ni Mang Kanor, e, talaga namang dapat nakakadiri si Mang Kanor.

“Kaya tama yung mga dialogue dun. Para bang… papatulan nila si Mang Kanor pero dahil sa monetary reasons kaya nagkaroon ng mga ganoong sitwasyon.”

rez cortez mang kanor

Maliban kina Rez Cortez at Rob Sy, nasa cast din ng Mang Kanor sina Nika Madrid, Seon Quintos, Via Veloso, Emelyn Cruz, Joni McNab, at Atty. Aldwin Alegre.

Isinulat at idinirek ito ni Greg Colasito, at mag-i-streaming umpisa Enero 28, Sabado sa AQ Prime.

NOEL FERRER

Sabi ni Rez, nagulat din siya nang napanood na niya ang movie kung saan title role siya for the first time.

“Kasi naging kawawa pa si Mang Kanor, di ba? Pero na-resolve naman dahil sa huli… in short, merong kuwento yung movie,” pahayag ng beteranong aktor.

“Na siguro, magtataka kayo, bakit may mga sexy scenes na nakalagay. Kasi, ilalabas naman ito sa AQ Prime na hindi sakop ng MTRCB.

“Hindi ito bawal. Hindi ito palusot. Kasi nga, yun ang kalakaran ngayon dahil ang mga streaming ay hindi sakop ng ating local MTRCB.

“At ang sabi ko nga, kung yung movie na ito na Mang Kanor, i-shorten mo lang yung mga sexy scene, ay puwede nang ipalabas sa mainstream cinema.

“Pero… Mang Kanor Part 2 na lang yun. At yun… ibinabalita ko sa inyo, e, nakapagpiyansa na ho si Mang Kanor,” pagbibiro pa ni Mang Rez, na tinaguriang "Pambansang Rapist ng Pelikulang Pilipino."

GORGY RULA

Hindi na mabilang ang rape scenes ni Mang Rez sa mga pelikulang ipinalabas sa mga sinehan. Pero itong Mang Kanor na pang-streaming ang pinakamapangahas niyang performance… so far.

“Dahil unang-una, bawal naman talaga sa mainstream cinema yung mga ganung eksena pero dahil dito sa digital age, meron nang mga platform na puwedeng gawin yun.

“At sa akin naman, welcome sa akin yun dahil maraming platform, maraming lugar na puwedeng pagpalabasan ng pelikula, mas maraming trabaho para sa mga local movie workers at sa mga artista.”

Ano ang reaksiyon niya nang mapanood ang bold and daring scenes niya sa Mang Kanor?

“Hindi ko akalain na ganun kaganda yung movie. Masasabi kong makabuluhan yung pelikula,” tugon ni Mang Rez.

“Dahil nga baguhan si Direk Greg, hindi ako nagtiwala agad until mapanood ko yung pelikula, na nakita ko na, ‘Uy! Meron palang ibubuga itong si Direk!’

“Thank you, Direk Greg, dahil binigyan kami ng laya. May mga eksena kami, yung mga love scenes, pinabayaan kami kung saan kami komportable.

“At na-cover naman ni Carlo yung mga eksena. At dun sa ibang mga eksena, pinabayaan niya kaming mag-improvise. Kaya lumabas ang totoong kakayanan… ni Rob Sy sa mga eksena namin.”

Ipapapanood ba niya itong Mang Kanor sa asawa niyang si Candy, at sa mga anak niya?

Napangisi si Mang Rez, “Ayaw nilang panoorin, e! Niyaya ko nga si Cai [Cortez, hios daughter], sabi ko, ‘Gusto mong manood nung ano, screening ng ano?’ Sabi niya, ‘Ayoko.’

“So yung wife ko naman, si Candy, ayaw naglalalabas nun.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rez Cortez on his "nakakdiring" sex scenes in Mang Kanor: “Sabi ko nga, kahit na kako nakakadiri ang eksena dahil nakabuyangyang yung malaking tiyan ni Mang Kanor, e, talaga namang dapat nakakadiri si Mang Kanor. Kaya tama yung mga dialogue dun. Para bang… papatulan nila si Mang Kanor pero dahil sa monetary reasons kaya nagkaroon ng mga ganoong sitwasyon.”
PHOTO/S: Jerry Olea / AQ Prime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results