PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why must you get anti-rabies vaccine not just your pets

Know the symptoms of rabies infection and what to do next.
by Chan-Chan Torres
Published Mar 11, 2024
dog biting and rabies virus
Here's what you need to know about rabies and what to do when bitten by a pet.
PHOTO/S: Unsplash (Dasha Urvachova and National Institute of Allergy and Infectious Diseases)

Maraming tao ang may alagang hayop sa bahay.

Meron ding nag-aalaga ng farm animals para sa negosyo o pangkabuhayan, at karamihan sa mga ito ay mammals.

Ayon sa Google, sinasabing malaki ang tsansa na ma-infect ng rabies virus ang mga hayop.

“Any mammal can get rabies. The most common wild reservoir of rabies are raccoons, skunks, bats, and foxes. Domestic animals can also get rabies," ayon sa article.

“Cats, cattle, dogs are the most frequently rabid animals in the United States.”

Dito sa Pilipinas, hindi nawawalan ng mga balita tungkol sa insidente ng rabies.

Nakakalungkot dahil minsan, nauuwi pa ito sa pagkamatay ng biktima na nakagat ng rabid animal.

Ganoon din sa mga aso, pag nakakagat sila at may rabies sila, eventually they die.

At dahil ang Marso ay Rabies Awareness Month, alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa rabies.

Read: Here are ways to improve your bond with your cats, dogs

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW RABIES SPREADS

Deadly na maituturing kapag nakagat o nakalmot ng alagang hayop, kaya huwag ito isawalang-bahala.

Dagdag pang impormasyon mula sa Google, “Rabies is a vaccine preventable, zoonotic viral disease affecting the central nervous system. Once clinical symptoms appear, rabies is virtually 100% fatal.”

Dahil dito, may mga rabies awareness programs na ilang beses na ring ipinapalabas sa telebisyon at sa mga social-media platforms.

Ilang eksperto na rin ang nagbahagi ng kanilang mga kaalaman kaugnay ng isyung ito para makatulong sa mga nakagat at maging babala sa mga nagmamay-ari ng aso, pusa, at iba pang mga hayop.

Sa YouTube Channel ni Dr. Alvin Francisco, ipinakita niya sa isang video ang kaso ng taong nakagat ng aso.

Pinapanood ng doktor ang video habang nagbibigay ng komento at payo tungkol sa sinapit ng biktima.

Ang siste, habol hininga at hinihingal ang biktima na nakagat ng aso.

Oktubre last year nung nakagat ang biktima, pero Pebrero 2024 na, nag-manifest pa ang mga sintomas ng rabies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa report, hindi nakitaan ng sugat si John Leo kaya hindi na ito nagpabakuna ng anti-rabies shot.

Payo ni Doc Alvin, “Minsan kasi, akala natin walang sugat, pero meron pong maliit na maliit na gasgas na kung saan puwedeng pumasok ang rabies virus galing sa aso at humalo sa dugo natin.

Delikado ang rabies ng hayop once their saliva has already touched your hands.

“Puwede ring walang sugat at all. Lalo na kapag kumapit na papunta sa bibig natin, o kaya’y makusot at mapunta dito sa mata,” sabi ni Doc Alvin.

Kahit nga madilaan lang ng aso ang sugat o katawan natin, posible pa ring ma-infect tayo ng rabies virus.

Sa video kung saan may interview ang asawa ng biktima, sinabi niyang akala raw nila, dahil tuta pa lang, walang rabies ito.

“’Yun kasi ang akala namin, na wala namang rabies dahil tuta pa lang. Sa amin din naman ang tuta.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Si husband ko naman, wala namang iniinda, hindi naman siya nilagnat,” salaysay ng misis ng biktima.

dog biting a stick

Read: Gaano ba kadalas dapat paliguan ang inyong aso?

WHAT ARE THE SYMPTOMS OF A RABID DOG?

Lovable, loyal, at cute ang imahe ng ating mga alagang aso.

Pero nag-iiba na ang anyo at kundisyon ng katawan nila once they get contaminated by the rabies virus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang mga palatandaan ng asong may rabies?

Narito ang ilan sa mga signs na dapat tandaan, ayon kay Doc Alvin.

Naglalaway

"Ang aso, once tinawag nang rabid dog, ay maglalaway. Hindi nila mapigilan, talagang drooling yung saliva nila, tumutulo sa sahig.

Hirap lumunok

Pag pinapakain natin sila, hirap silang lumunok. Ngumunguya sila pero kapag lulunukin na nila ang pagkain, para silang naduduwal o di nila completely maipasok sa lalamunan nila ang pagkain.

Change of mood

Minsan naman, tahimik lang sila. Kung dati’y masigla sila at nakikipaglaro, bigla silang manghihina at laging tulog.

Shows aggression

Yung iba naman, biglang nagiging aggressive, biglang nangangalmot.

WHAT ARE THE CHANGES IN A RABIES-INFECTED HUMAN?

Maaaring iba-iba ang panahon at oras ng pagpapakita ng sintomas na may rabies contamination ang isang tao.

Sabi ni Doc Alvin, “So ganoon kadalasan ano, ang tagal ng interval bago magpakita ng sintomas ang rabies. Itong kay sir, three months nagpakita. Pero puwedeng umiksi up to one week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kunwari, today ako nakagat, puwede ako magpakita ng symptoms after a week. Or puwede rin yang tumagal up to one year.”

Hindi lang ang hayop ang nagpapakita ng sintomas na sila’y may rabies, kundi pati tao rin once nakagat o nakalmot ng isang rabies infected animal.

Ipinakita ang video footage ng GMA News habang nasa ospital na ang biktima.

“Una nating nakikita rito is hirap huminga si Sir at hindi siya mapakali.

“Agitated siya, hindi siya makahanap ng puwesto na kumportable.

“Isa pa sa mga sintomas is kadalasan hindi sila nagko-coordinate dun sa mga doktor or mga nurses,” obserbasyon ni Doc Alvin, habang pinapanood ang video.

Gaano ito kadelikado?

“Yung virus po kasi pumupunta sa central nervous system, sa utak ng tao. Kapag nandoon na siya, doon na nagpapakita ng tipikal na sintomas,” pahayag ni Doc Alvin.

May isa pang sintomas na puwedeng makita sa taong rabies infected. Ito ay ang pagkatakot sa tubig o hydrophobia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Doc Alvin, “Ito yung pag inalok mo sila ng tubig, tatanggihan nila, gusto man nila i-try hindi nila malunok.

“‘Yung iba naman, aerophobia o takot sa hangin. Ayaw nilang nahahanginan o ayaw nilang nakakaramdam ng fresh air.

Mas gusto nila sa lugar na wala masyadong hangin.”

Once infected na ng rabies virus ang isang tao, makikitang may changes na rin sa mga kilos nila.

“So itong mga changes na iyan, nangyayari dahil may mga pagbabago dun sa brain chemistry nila o sa itsura ng brain nila.

“Nagkakaroon sila ng hallucination, puwedeng meron silang nakikita o meron silang naririnig.

“‘Pag kumalat na po yung virus sa brain ng pasyente puwedeng magkaroon ng tinatawag na encephalitis. Ang nangyayari, e, namamaga ang ilang parte ng brain.

“Delikado ang ganitong sintomas dahil nagkakaroon ng neurological changes sa brain ng pasyente,” paliwanag ni Doc Alvin.

Dagdag niya, kahit ganito na ang nararamdaman ng pasyente in the back of their mind, hindi raw nila alam kung bakit ganito na ang kanilang ikinikilos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos makitaan ng mga sintomas ang biktima, isinugod na siya sa isolation room ng ospital. Makalipas ang ilang oras, binawian siya ng buhay.

cat biting finger

Read: VIRAL: Asong nag-food trip ng $4,000 dollar bills

WHAT TO DO WHEN BITTEN BY A DOG OR A CAT

Gaano man tayo kaingat, hindi maiwasang may mga nakakagat pa rin ng aso o pusa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ilan sa mga tips ni Doc Alvin dapat tandaan.

Hugasan, sabuning maigi ang affected area para matanggal ang laway at dumi. Gawin ito for at least 15 minutes with soap and running water.

Patuyuin ang affected area. Lagyan ng Betadine (Povidone-Iodine) wound solution at gauze. Pagkatapos, tumakbo agad sa pinakamalapit na ospital o animal bite center.

Dagdag ni Doc Alvin, “‘Yung mga doctor at nurses na po ang mag-a-assist sa inyo kung gaano karami o type ng bakuna ang ibigay sa inyo.”

Paalala ni Doc Alvin, “Wag na po natin patagalin na kinabukasan or after one week pa lang kayo magpupunta. Pumunta na po agad para mapigilan po ang mga ganitong pangyayari.”

Bilin pa nito sa mga nag-aalaga ng aso at pusa, “Ugaliin po nating ipakonsulta sa beterinaryo para mabakunahan.

“At least, sigurado po tayo na safe ang mga alaga natin laban sa mga sakit. At safe din po kayo bilang nag-aalaga ng mga pets ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, very preventable po ang rabies kasi meron nang bakuna, e. Basta up to date lang ang mga bakuna nila para maiwasan ang mga ganitong pangyayari.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Here's what you need to know about rabies and what to do when bitten by a pet.
PHOTO/S: Unsplash (Dasha Urvachova and National Institute of Allergy and Infectious Diseases)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results