PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Defective national ID? Here's how you can apply for replacement

Walang bayad ang replacement card.
by KC Cordero
Published Mar 26, 2024
Art card for national ID replacement ad
Kung depektibo na ang iyong national ID, puwede kang mag-apply ng replacement nang libre. (Image courtesy of PSA Sorsogon)

Ibinahagi ng news website na Sunstar Cebu noong March 25, 2024, ang naging dilemma ng isang alyas Monique tungkol sa kanyang national ID.

Ayon kay Monique, 20, college student at residente ng Bogo City, Cebu, hindi matagal ang paghihintay niya sa physical copy ng kanyang national ID o PhilID mula sa Philippine Statistics Authority.

Matapos niyang magparehistro, wala pang isang taon ay natanggap niya ito.

Pero makalipas ang isang taon, nabura agad ang kanyang mukha at ang mga kalakip na impormasyon.

Read: Parating na ba ang National ID? I-check ang status sa PHLPost tracking website

Defective national ID

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Netizen, "pumayat na" nang natanggap ang National ID

Dahil dito, ayaw kilalanin o tanggapin ng mga remittance centers, kung saan siya pinapadalhan ng allowance ng kanyang parents, ang kanyang national ID kapag may transaksiyon siya.

Kaya para kay Monique, walang pakinabang ang kanyang defective national ID.

Read: Printed version ng electronic National ID puwede na sa passport application

DEPEKTIBONG NATIONAL ID, PUWEDENG PALITAN

Inilapit ng Sunstar Cebu ang problema ni Monique sa PSA Region 7 Office.

Ayon kay Chief Administrative Officer Edwina Carriaga, ang mga gaya ni Monique na depektibo na ang national ID ay hindi dapat mag-alala dahil eligible ang mga ito na makatanggap ng replacement.

Sinabi rin ni Carriaga na bukod kay Monique, marami na ring natanggap na reklamo ang opisina tungkol sa mga kumupas na larawan at mga detalye ng cardholders.

Marami na rin umano ang nabigyan ng replacement ID, pero hindi nagbigay si Carriaga ng eksaktong bilang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiniyak din ng opisyal na nananatiling libre ang pagpapapalit ng PhilID.

Read: Chie Filomeno draws uproar on Facebook over her driver's license photo

PAANO ANG PAGPAPAPALIT?

Sakaling matulad sa sitwasyon ni Monique, sinabi ni Carriaga na mag-report lang sa pinakamalapit na PSA office o kahit sa mga field offices o kaya ay sa regional offices kung taga-probinsiya.

Kinakailangang ipakita ng cardholder ang kanyang kumupas na PhilID, at mag-fill up ng replacement form.

Isusumite ito sa registration supervisor kalakip ang papalitang ID.

Read: Batang edad 5 pataas, dapat nang ikuha ng national ID

Replacement form

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Senator Grace Poe "hindi katanggap-tanggap" ang mabagal na delivery ng National ID

Ipinaliwanag din ni Carriaga na dahil ang cardholder ay nakapag-input na ng kanyang biometrics, gaya ng personal data at photo gayundin ang iris scans, hindi na kailangang ulitin pa ang mga proseso.

Nilinaw naman niya na walang standard waiting period kung kailan ang release ng replacement ID cards.

“We cannot determine [the time frame] since replacement is a meticulous process and requires thorough processing, especially since the person was already issued an ID beforehand.”

Read: PhilID delivery status puwede nang i-track sa PHLPost website

KAILAN ITUTURING NA “DEFECTIVE OR DAMAGED” ANG NATIONAL ID?

March 2023 pa nagsimulang magpalit ang ang PSA ng mga PhilID na kumupas o burado, ayon sa impormasyong nasa PhilSys website.

Noong January 2024 ay nanawagan din ang ahensiya sa mga cardholders na may katulad na problema na magpapalit ng kanilang card.

Paunawa naman ni Carriaga, sa kasalukuyan, tanging ang mga may depektibong PhilIDs ang maaaring mag-apply para sa replacement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kasama rito ang mga nawalang PhilID.

Ituturing ang PhilID na “damaged or defective” kung natutuklap na ang cover nito, kumupas, nabura o hindi na malinaw ang photo, hindi na kamukha ng cardholder, at burado na ang iba pang impormasyon.

Sa kasalukuyan, nasa 4,343,723 PhilIDs (physical ID cards) na ang naipamahagi.

Katumbas ito ng 66 percent ng total registered individuals.

Matatandaang nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11055, o ang Philippine Identification System Act, noong August 2018.

Read: National ID trends on Twitter; netizens complain about registration glitches

Philsys office

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Enrollment, scholarship application ng estudyante, mas madali dahil sa national ID

Sa ilalim nito, itinakda ang paglikha sa national ID bilang primary identification platform ng gobyerno para sa lahat nang Filipino citizens and resident aliens, kabilang ang mga dayuhang naninirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon.

Para sa mga Filipino citizens, walang expiry date ang PhilID.

Kailangan lang itong i-renew kapag mag-a-update ng demographic information and biometric information. Kasama rito ang mga batang nagparehistro noong limang taon o mas bata pa, at kailangan nilang magpa-biometrics muli pagsapit ng 15 years old.

Para sa mga resident aliens, valid ang PhilID sa loob lang ng isang taon, at kailangang magpa-renew taun-taon.

Read: EO No. 162, nag-uutos na kilalanin ang natl ID sa govt, private transactions

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung depektibo na ang iyong national ID, puwede kang mag-apply ng replacement nang libre. (Image courtesy of PSA Sorsogon)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results